top of page
Search
  • BULGAR

Perfect match daw, todo-gimik para pag-usapan… VG MARC AT KRIS, DRAMA KING AND QUEEN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 11, 2024




Tinalbugan nina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Marc Leviste ang away-bating relasyon ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Dahil kung si Mega, umaming nag-away, naghiwalay at tapos ay nagbati na sila ng kanyang 'Sutart', aba'y para pa ring switch ng ilaw ang relasyong Kris-Marc — ON and OFF!


Just recently nga lang ay nag-post ang fan account ni Kris Aquino ng picture kung saan makikitang magkasama na naman sa USA sina Kris at VG Marc.


'Yun nga lang, kapansin-pansin sa larawan na si VG Marc lang ang todo-smile habang parang 'care bears' naman ang drama ni Kris na walang kasama at walang ibang nakikita kundi ang kanyang mga anak lang.


Kaya ang mga Marites na netizens, kani-kanyang comment na naman. 


May ilang maka-Kris-Marc ang of course ay happy na back in each other's arms sila at hindi pa rin sumusuko ang pulitiko kahit ilang beses nang ipinagtulakan ni Kris.


Pero may ilang nagsasabi na obyus na obyus naman daw na gusto lang magpabida ni VG Marc at kaya lang nito patuloy na sinusuyo si Kris ay dahil napag-uusapan lang siya dahil sa dating Multimedia Queen.


Pati nga raw ang mga close friends ni Kris ay ginagamit pa nito tulad nina Boy Abunda, Kim Chiu atbp. para hindi makaiwas sa kanya ang ex-GF.


Si VG Marc ang naging tulay para makadalaw sina Tito Boy at Kim kay Kris, na of course, nakaka-touch nga naman ang ganu'ng effort ng pulitiko, kaya kahit ilang beses nang pinrangka ni Kris si VG Marc na ayaw na niya, 'pag sinusuyo na siya nito ay lumalambot na nama

n ang puso niya.


Well, para naman sa iba ay perfect match sina VG Marc at Kris at nakahanap na raw ng katapat ang Queen of All Media dahil pareho raw 'Drama King and Queen' ang dalawa na hindi nauubusan ng gimik at drama sa buhay mapag-usapan lang.

 

Maraming sikat na celebrities ang dumating sa Brilliant Awards 2023: Brightest of All Time ng Brilliant Skin, Inc. last Dec. 21 sa New Performing Arts Theater na dinaluhan din ng mga franchisees at distributors ng beauty and cosmetic brand. 


Ang TikTok comedienne at content creator na si Queen Dura ang sumalubong ng panayam sa mga guests sa pink carpet.


Ang programa ay binuksan ng A-Team, 4th Impact at Brilliant Skin ambassador na si Andrea Brillantes, na nagpakitang-gilas sa pagsasayaw bago sinundan ng opening speech ni Brilliant Skin CEO, Ms. Glenda Dela Cruz na nagpasalamat sa tagumpay ng kanyang kumpanya.


Ipinakilala rin sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez bilang mga hosts ng event. 


Si Daniel Matsunaga ang nagtawag ng mga unang pinarangalan, kabilang ang Live Streamer Award, Digital Market Place Trailblazer, E-Commerce Excellence Award, Rising Star in Outstanding Achievement, Exceptional Leadership in Network Growth at Team Player Extraordinaire. Ang mga awardees ay mula sa iba’t ibang distrito, lungsod, probinsiya at regional distributors. 


Nagpakitang-gilas naman si Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, na sinundan ng bonggang raffle.


Dumating din sa Brilliant Awards si Ms. Korina Sanchez na nagsalita sa pagsisimula ni Ms. Glenda sa Brilliant Skin Essentials at kung paano sila naging partners.


Kumanta naman si Juan Karlos ng Buwan at Ere habang nagpaunlak ng sayaw si Jackie Gonzaga. Nag-perform din sina Kyle Echarri, Jason Dy at Paulo Avelino.


Pero ang highlight ng event ay ang pagbibigay ng parangal sa mga Top Regional Franchisees ni Ms. Glenda, kasama ang bagong mukha ng Brilliant Skin Essentials na si Alden Richards. Sinundan ito ng pagpapakilala kay Ms. Shen Garcia bilang Chief Operating Officer ng Brilliant Skin Essentials. 


Nagtapos ang gabi sa performance mula kay Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan. 

 

 

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page