Perfect love team daw… MADIR NI XIAN, PROUD NA WALA SILANG SCANDAL NI KIM
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 5, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kinapanayam ni Kim Chiu ang kanyang future mother-in-law, ang ina ni Xian Lim na si Mary Anne Lim.
Pumayag si Mary Anne na magpa-interview kay Kim para sa vlog nito at siyempre ay kasama rin si Xian. Biro nga ng aktor, naunahan pa siya ng girlfriend na interbyuhin ang kanyang ina sa vlog.
Maraming napag-usapan ang tatlo kabilang na ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko tungkol kay Xian tulad ng pangarap ni Mary Anne para sa anak.
“Ang dream ko sa kanya noong bata pa siya, gusto ko sa kanya na maging concert pianist.
Pero gusto ko rin kahit ano, basta happy siya,” sey ni Mommy Mary Anne.
“Si Mom naman, sobrang supportive niya when it comes to career. Hindi naman siya rin parang, ‘Ito ‘yung kailangan mong gawin,’” sabi naman ni Xian.
“Even nu'ng sinabi ko sa kanya na gusto kong maging basketball player, agad na ibinenta ni Mommy ‘yung bahay namin, ‘yung kotse sa US and pumunta kaagad kami rito in a matter of three months. Kasi sinabi ko kay Mom, gusto kong maging basketball player. Hindi nga niya tinanong kung ‘Magaling ka ba, anak?’ Walang ganu'n,” dagdag ni Xi.
Ibinahagi rin ng ina ni Xian ang naging buhay nila noon sa Amerika at kung paano sila na-discriminate noong kararating lamang nila sa nasabing bansa.
Masaya namang binalikan ni Xian noong sinorpresa siya ng ina ng bagong saxophone at drums.
“Sa States, sobrang mahal ng musical instruments. Thousands, thousands of dollars. Sobrang laking bagay para sa akin that time kasi single mom si Mommy and ang rent ng apartment namin was $1,500 for a one-bedroom. So, she had to make ends meet as a single mom to work to be able to pay for the $1,500 – and a musical instrument is about $2,000 to $3,000, and even 4,000 dollars.
So, maabilidad si Mom.”
Kuwento ni Mary Anne, nag-drive siya nang walong oras papuntang Las Vegas para lang mabili ang sorpresang ito para kay Xian.
“Ang suwerte mo kay Tita,” sambit ni Kim.
Natanong din ni Kim si Mary Anne kung ano ang reminder nito for KimXi na dapat nilang tandaan.
“Siyempre, ‘yung forever kayo. That explains everything, forever,” sagot ni Mary Anne.
“I’m happy nagkakasundo kayo. Wala kayong scandal, wala kayong third party. It’s very pure.
I’m very proud. I can say perfect love team. Ganu'n ang KimXi. It transcends all generations,” she said.





Comments