top of page

Pera raw ng bayan ang gamit… BUWAN-BUWANG BAKASYON NINA CONG. ARJO AT MAINE, PINALAGAN NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 15, 2025





Proud na ini-repost ni Maine Mendoza sa kanyang Facebook page ang proclamation photos ni Cong. Arjo Atayde at ng Team Aksyon Agad isang araw matapos ang eleksiyon.

Of course, haping-happy si Maine na muling pinagkatiwalaan ng mga taga-Distrito Uno ng Quezon City ang kanyang guwapong mister at second term na ito ni Arjo bilang congressman.


Caption ni Maine sa kanyang FB post: “Maraming salamat sa tiwala at sa pagkakataong mapaglingkuran kayong muli nang tunay at tapat, Distrito Uno. (green heart emoji).”


Inulan ng congratulatory message mula sa mga netizens ang naturang post ni Maine at mababasa rin du’n ang komento ng mga natulungan ni Cong. Arjo na masaya sa muli niyang pagkapanalo bilang District 1 representative.


Pero sa isang entertainment page kung saan in-announce ang mga artistang kumandidato na ang ilan ay nanalo habang may mga natalo rin, may nabasa kaming ilang nang-bash kay Cong. Arjo at pati nga ang misis niyang si Maine ay idinamay pa.


Sabi ng isang anonymous commenter, “A netizen posted this somewhere (can't recall where) but Arjo and Maine are going out of the country every month. EVERY MONTH. I mean, gaano ba karami ang vacation days ng isang congressman sa Pilipinas? At kung pera nila ang ginagamit for tickets and hotels, how about ‘yung "paid" vacation days, pera pa din nila ‘yon? I mean, those are from the Pinoy taxes ok.”


Pag-second that motion naman ng isa pang netizen, Sa mga fans d’yan nina Maine at Arjo, of course walang masamang magbakasyon. Sabi nga ninyo, super duper bilyonaryo sila or newlywed sila, blah blah blah. Ang masama, Arjo is a public servant, elected by the Filipino people. A monthly vacation does not sit well sa atin. Ilang weeks or months ba ang vacation entitlement ni Arjo bilang congressman? Anyone? I don’t think, all his monthly vacation is charged as "paid VACATION". Malamang sa alamang, since na-used up na niya ang vacation niya first few months pa lang, so the rest of his vacation and liwaliw with Maine is charged as OFFICIAL business trip? So, tell me, tama ba ‘yun, mga Maine and Arjo fans?”


Well, knowing Maine na very vocal kapag may isyung ibinabato sa kanya o sa mga mahal niya sa buhay na wala namang katotohanan, hayaan nating idepensa niya ang mister sa mga bumabanat dito.


Pero knowing Arjo’s family, especially ang nanay niyang si Ms. Sylvia Sanchez, hindi nito hahayaang gumawa ng kabulastugan ang anak na sisira sa magandang pangalan nila.


Sure kaming kahit may asawa na ngayon si Cong. Arjo, nand’yan pa rin lagi sa tabi niya ang kanyang ina para gumabay at magpaalala sa kanya na maging mabuting tao at lider tulad ng paghubog sa kanya ng ina mula nu’ng bata pa siya.


Kung tama ang pag-aanalisa namin, ngayon pa lang ay may tumatrabaho na kay Cong. Arjo at sinisira ang pangalan nito dahil malakas ang bulung-bulungan sa Kyusi na ito na ang next na inihahanda ng kanyang partido para maging future candidate sa pagka-presidente.


Hmmm… parang masyado pa namang maaga, pero kung magtutuluy-tuloy ang magandang performance ni Arjo sa public service, puwedeng-puwede with his intelligence and good family values.


Parents mo, Julia, nega raw kasi…

MARJORIE AT DENNIS, PAREHONG TALO SA CALOOCAN


PAREHO namang hindi pinalad na manalo sa pagka-konsehal ng Caloocan ang mga magulang ni Julia Barretto na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Tumakbong konsehal sa 1st District si Marjorie at sa 2nd District naman ang komedyanteng si Dennis.


Nagkakaisa ang mga netizens sa pagsasabing malaki ang naging epekto ng latest scandal sa kasal ni Claudia Barretto sa image ng dating mag-asawa.

Sarkastikong komento pa ng isa, “Pareho kasing nega.”


May nagsabi naman na paano sila magiging good example na public servant kung personal issues nga lang nila ay hindi pa maayos.

Ehhh, ‘yun lang!!! Ang mga botante pa naman ngayon, gising na gising!



ONE month to go pa, pero ngayon pa lang, excited na ang mga friends at fans ng dalawang great singers nating sina Asia’s Timeless Diva Dulce at Charity Diva Token Lizares sa kanilang back-to-back concert sa June 13 at 7:30 PM sa Teatrino in Promenade, Greenhills, San Juan.


Minsan na naming napanood na nag-guest si Ms. Dulce sa concert ni Tita Token Lizares, at marahil, dahil nabitin ang mga nanood sa collab nila kaya may mga nag-request na magsama silang muli sa isang fundraising concert.


Kaya ayan nga, nabuo ang Divas On Fire! kung saan bukod sa dalawang magagaling na divas na wala kang itulak-kabigin sa performance, may bonus pang special guests tulad ng Rhythm and Babes Band, Tawag ng Tanghalan finalist na si Jex De Castro at WCOPA 2022 champion na si Ram Castillo.


Naku, kina Ms. Dulce at Tita Token pa lang, sulit na sulit na ang mga manonood, may special guests pang tiyak na panalo rin ang mga boses at performance!


Kaya sa mga hindi pa nakakabili ng ticket ng Divas on Fire!, go na para sure na ang best seat for you.


Kitakits!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page