top of page

Dahil mas piniling kumampi kay PBBM… “SOBRA NA ANG PAMBU-BULLY KAY BONG” — LOLIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 15, 2025



Photo: Bong Revilla - IG Ako si Lolit Solis


Hindi napigilan ni Donya Lolit Solis na mag-post sa social media ng kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa aming mahal na Senator Bong Revilla at ito ang kanyang mga sinabi:


“Sobra na ang pambu-bully nila kay Bong Revilla.


“Dahil ba mas pinili n’ya ang mas kumampi kay PBBM, o ipakita na ayaw n’yang magpalit ng kulay, ganu’n na ang trato nila rito? Masyadong personal ang birada ng ilan, below the belt na ang sinasabi ng iba.


“Sana naranasan nila na makilala si Bong Revilla. Sana natikman din nila ang bait at lambot ng puso nito.


“Hindi ako malulungkot kung ‘di s’ya maging senator. Mas sad ako na ‘pag naniwala ang tao sa paninira na ginagawa ng mga kalaban n’ya. Masakit isipin na para lang masira si Bong ay naging marumi na ang kalaban.


“How sad to go so low para lang makasira ng tao.


“Bong Revilla is worth taking a bully anytime, anywhere. He is the kindest, most trustworthy person you will meet. Basta Bong Revilla magtiwala at maniwala ka. Bongga,” pagtatapos ni Lolit.


Basta anuman ang nangyari sa election 2025, alam kong marami pa rin ang naniniwala at nagmamahal sa working senator at maraming batas na nagawa para makatulong sa mas nakararaming Filipino. 


We love you, Senator Bong Revilla, Jr.. May our heavenly Father Lord Jesus Christ bless you more.



Habang nagmemeryenda kahapon si yours truly ay may biglang humahangos na dumating sa aming bahay para lang tanungin kung totoo ba na nakulam si Kris Aquino.


Ang sagot ni yours truly ay fake news ‘yan.


Mismong si Kris ang nag-post sa kanyang Instagram (IG) at ang kanyang sinabi ay… “Bukas na lang after my PET scan I will tell you the truth because I am so tired of seeing I am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa ‘kin — please stop.


“My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection—it remains strong,” saad pa ni Kris.


Ang dahilan ng pagpayat at panghihina ni Kris ay ang sakit na multiple autoimmune diseases gaya ng lupus at Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA).

Sa pagkakakilala ni yours truly kay Kris, siya ay may malakas na pananampalataya sa Diyos at may kabutihang loob din naman kaya walang dahilan para isiping may kumukulam sa kanya.


Kaya mo ‘yan, Kris. God is good all the time. Just always pray.



SAMANTALA, diretso na sa live semifinals ng Pilipinas Got Talent ang Filipino-Canadian jazz dancer na si Jasmine Flores matapos masungkit ang golden buzzer ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo.


Hinangaan ng judge ang kakaibang contemporary dance act ni Jasmine na may blend ng jazz, ballet at acrobatics. Malinis din niyang nagawa ang pirouettes at backflips ng kanyang routine.


Napabilib nga ni Jasmine si Kathryn dahil sa hindi pagkalimot nito sa kanyang Filipino roots at kung paano rin niyang naipamalas ang ginintuang talento sa stage. Nakakuha nga ang dalaga ng standing ovation sa lahat ng judges. 


Ayon kay FMG, natuwa siya na naipakita ni Jasmine ang iba’t ibang klase ng movements mula jazz hanggang acrobatics.


Proud Pinay naman si Eugene Domingo habang pinanonood niya ang babaeng nagpapakitang-gilas ng kanyang talento. Maituturing ni Donny Pangilinan na rare makita ang jazz dancing act ni Jasmine sa PGT stage.


Ang “Golden Buzzer” ay isang special privilege ng 4 na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. 


Sa ngayon, lahat na ng Golden Buzzers ay nakuha na at naghahanda na ang mga ito para sa kanilang live performances.



NAGKAROON ng team building-cum bonding-outing ang PMPC officers and members headed by our President Mell T. Navarro held sa La Casa Maranan sa Lemery, Batangas na owned by very friendly, very accommodating, very generous at napakasimpleng tao at walang kayabang-yabang sa katawan na si Engineer Johnny Maranan. 


Ginawa ito last Saturday and Sunday (May 10–11, 2025), na ang saya-saya naming lahat at walang umuwing luhaan, in fairness. 


Sa may mga balak magbakasyon after 2025 election, gora na sa La Casa Maranan at super nakaka-relax. Ang ganda ng nasabing hotel resort, sa true lang, at may mababait na staff. 


At siyempre ‘di namin dapat kalimutang pasalamatan ang PMPC vice-president na si Fernan De Guzman – dahil kaibigan niya ang owner ng La Casa Maranan na walang iba kundi si Engr. Johnny Maranan – at lahat ng officers and members ng PMPC. 


At sa lahat ng nagbigay ng sponsor para sa PMPC team building-cum outing, maraming-maraming thank you po.

‘Yun lang and I thank you.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page