Normal lang naman daw… SHARON, NAGSALITA NA SA AWAY NG MGA ANAK DAHIL SA PERA
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 15, 2025
Photo: Sharon Cuneta - IG
Matapos ang reconciliation ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion nitong nakaraang Christmas 2024, marami ang nagtatanong kung kailan naman magkakaayos ang panganay niya at ang stepdad nitong si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan.
Matatandaang nagkaroon din ng misunderstanding sina KC and Kiko na naging sanhi pa ng pag-unfollow ng dalaga sa Instagram (IG) accounts ng stepdad at ng mga half-sisters niyang sina Frankie and Miel.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos pero ayon sa mister ni Shawie, ‘in time’ ay mareresolbahan din ang lahat.
“Sila (KC and Sharon), in touch. Ako, in time. Lahat ng pamilya, mayroong tampuhan, so I pray, in time, it will be resolved,” pahayag ni Kiko nang makapanayam namin sa mediacon na inihandog ng Regal Entertainment nitong bago mag-eleksiyon.
Sa naturang panayam ay itinanggi rin ni Shawie ang isyung kaya nag-aaway ang mga anak niya ay dahil sa pera.
“Mayroong lumabas noon na nag-aaway daw ‘yung mga anak ko dahil sa pera. Wala nga kaming minana sa tatay at nanay ko at buhay pa naman kami. Ano ‘yun? Napakababaw,” natatawang naiiling na sabi ni Mega.
“Actually, ang pinag-awayan nila, medyo may kababawan pero normal naman (‘yan) sa magkakapatid. Ganu’n lang ‘yun,” dagdag pa ni Shawie.
When asked kung willing ba siyang maging tulay para magkaayos sina Kiko and KC, sagot ni Mega, “Matagal na, siyempre naman. Panganay ko ‘yun, tapos asawa ko s’ya. Mahal na mahal naman n’ya ‘yung bata (KC).”
Samantala, sa latest IG post ni KC ay binati niya ang lahat ng mga nanalo sa katatapos lang na eleksiyon at siyempre, kabilang dito ang kanyang stepdad na nananatiling nasa ika-5 puwesto sa mga senatorial candidates kaya it’s safe to say na sigurado na ang panalo ni Sen. Kiko.
Narito ang buong mensahe ni KC sa mga nanalong pulitiko:
“Big love and congratulations sa lahat ng nanalo at na-re-elect ngayong eleksiyon (white heart emoji). Lalo na sa mga kaibigan at kapamilyang ngayon pa lang papasok sa posisyon, at sa mga muling pinagkatiwalaan ng taong-bayan.
“Tahimik man akong nanood mula sa sidelines this time around (life lately has been more about healing and health care) (smiling emoji), this sunset reminded me: every ending is the start of a new chapter. A gentle pause before a powerful beginning!
“Nakakataba ng puso to witness this chapter unfold. The real work begins now… I pray our newly elected (and re-elected) lead with courage, and stay grounded and anchored in service, not self (smiling emoji).
“Para sa tao. Para sa bayan. For the generations to come (flower emoji). God bless our leaders and may He guide every step forward!”
ISA na namang maaksiyong linggo ang dapat abangan ng mga manonood ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa muling pagsabak ni Coco Martin sa bakbakan, pati na rin ang pagpasok nina Leo Martinez at Angeli Khang sa hit primetime series.
Mauuwi kasi sa isang mabagsik na harapan ang mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon), laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magkaaberya ang isang malaking transaksiyon nila sa droga.
Pero mukhang mas may matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil hindi na ito nagdadalawang-isip pa na muling kalabanin ang sariling amang si Ramon. Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga ilegal na transaksiyon ni Ramon at handa na siyang magbagong-buhay para maging mabuting tao.
Dagdag pa sa kalbaryo na haharapin ni Tanggol ay ang pagpasok sa serye ng mga karakter nina Leo at Angeli, na mula sa isa sa pinakamakapangyarihang sindikato sa bansa at maaaring makabanggaan ni Tanggol.
Comments