Collect and collect then select, Daniel… KATHRYN, 3 NON-SHOWBIZ GUYS ANG KA-DATE
- BULGAR
- May 15
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 15, 20255
Photo: Kathryn Bernardo - IG
Dapat nang tanggapin ng libu-libong mga fans ng KathNiel love team na hindi na puwedeng magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (DJ).
Kahit na ipag-novena pa nila ito sa lahat ng simbahan at hingin ang tulong ng mga psychics, next to impossible na mangyari ito.
Si Kathryn na mismo ang aayaw sa anumang project na pagsasamahan nila ng kanyang ex-BF. Tuluyan nang isinara ng aktres ang chapter ng kanilang 11 years na relasyon ni Daniel.
May bago nang landas na gustong tahakin ni Kathryn sa kanyang showbiz career at gusto naman niyang makatambal sa pelikula ang mga mas mature na aktor tulad nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.
Sa ngayon ay hindi pa nakakatagpo si Kath ng kapalit ni DJ sa kanyang puso. Pero, ayon sa ilang reliable sources, may tatlong non-showbiz guys ang masigasig niyang manliligaw ngayon.
Nakikipag-date na si Kathryn sa mga ito upang kilatisin ang background ng mga ito, pero wala pa siyang ipino-post sa social media sinuman sa mga suitors niya.
Samantala, close pa rin naman sila ni Alden Richards, pero bilang matalik na magkaibigan lamang. Pareho kasi silang abala sa kani-kanilang negosyo at career, ganoon din sa iba pa nilang goal na gustong abutin.
Nagpakatotoo rin sina Kathryn at Alden sa mga KathDen fans upang huwag nang umasa na may seryosong relasyon na mabubuo sa kanila.
HINDI lang pala pera ang dahilan ng breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras, kundi may third party na involved, na hindi na kinayang tanggapin ng aktres.
Bukod dito, hindi sila magkasundo sa maraming aspeto, kaya madalas silang nag-aaway.
Matipid at masinop sa paghawak ng pera si Kyline, samantalang si Kobe ay gastador at maluho.
Ang pagiging busy din ni Kyline sa kanyang career ang dahilan kaya naghanap si Kobe ng babaeng makakasama niya sa mga happenings.
Samantala, mas naging priority ni Kyline ang kanyang career kesa kay Kobe. Strong woman ang aktres at wala siyang balak na habulin ang dating nobyo na
mas gusto ang malayang buhay.
Besides, ayaw naman ni Kyline na mistulang sugar mommy at siya pa ang gagastos sa lalaki. At wala siyang nakikitang magandang future kapag sila ni Kobe Paras ang nagkatuluyan.
Hindi pa mature at hindi pa seryoso ang aktor-basketball player kung ano ang landas na gusto niyang tahakin, at walang tiyak na goal sa buhay.
NGAYONG naipalabas na ang pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, malaya na silang nakakakilos.
Hindi na nila kailangang magkunwari na may relasyon sila para kiligin ang kanilang mga tagahanga. Screen partners lang ang KimPau love team.
Marami ang nagmahal at tumangkilik sa kanilang tambalan. Pero, hindi nila kayang magkunwari forever, lalabas din naman ang katotohanan.
At ayon sa kilalang psychic/card reader na si Mamu Gloria Escoto, may isang non-showbiz guy na masugid na manliligaw ni Kim Chiu.
Malaya naman siyang mag-entertain ng mga suitors dahil hindi naman committed ang “Chinita Princess” kay Paulo Avelino.
Hindi nangyari ang gusto ng KimPau fans na mauwi sa totohanan ang kanilang love team. Takot pa rin si Kim na muling pumasok sa seryosong relasyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Xian Lim. Ayaw na niyang magtiwala agad sa mga bagong manliligaw at nararamdaman naman niya kung sincere ang kanilang layunin.
ANG baguhang rock/alternative singer na si Nadz Zablan ay nagsimulang gumawa ng pangalan sa Spotify noong 2022, hanggang ang iba pa niyang isinulat na awitin tulad ng Sabihin, My Kind of Christmas, Hanggang Kailan, Luha, Akay, at Laya ay madalas nang pinatutugtog sa Barangay LS 97.1.
Ang Sabihin ang kanyang naging Most Wanted Song noong 2022, at ang Hanggang Kailan naman ay naging Most Wanted noong 2023. Ito’y sinundan ng Akay noong 2024.
Ang kanyang mga awitin ay umabot ng million streams sa Spotify, Apple Music, YouTube (YT) Music, at digital music platforms worldwide.
Bilang solo artist, si Nadz din ang nag-compose ng kanyang mga awitin. Pagkatapos ng COVID pandemic ay na-inspire siyang sulatin ang awiting Laya. Lahat ng kanyang awitin ay self-produced sa ilalim ng isang independent label.
Naging idolo ni Nadz Zablan sina Bamboo, Rico Blanco at Ney Dimaculangan. Gustung-gusto ni Nadz ang energy ni Bamboo kapag nagpe-perform sa concert. Ibang-iba rin daw ang karisma ni Rico Blanco sa tao.
Pangarap ni Nadz na makasama sa anumang concert sina Bamboo, Rico Blanco at Ney Dimaculangan.
Well, given the chance at mabigyan lang ng magandang break at exposure, lalaki ang pangalan ni Nadz sa music scene. Hopefully, mapansin siya ng Viva Records, Star Records, Ivory, atbp..
Maraming kabataan ang makaka-relate sa mga awitin ni Nadz Zablan na nakasentro sa pag-asa, pagmamahal sa bayan, at matibay na pananampalataya.
Comments