top of page

PERA, ISA SA MGA DAHILAN NG HIWALAYANG NADINE-JAMES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 14, 2023



Uy, nagpapasalamat diumano sina Nadine Lustre at Bret Jackson dahil maaga nga nilang naramdaman ang hindi magandang 'vibe' sa Careless Production ni James Reid.


Sa inaabot kasing perhuwisyong matatawag dahil sa pagkakahuli, detain at paglaya ni Jeffrey Oh, may mga common friends dati sina Nadine, Bret, James, et al. na nagpapasalamat na hindi sila nakapag-invest sa negosyo ni James.


Naungkat tuloy ang sinasabing isa sa mga rason noon ng paghihiwalay nina James at Nadine ang usaping 'investment' na hindi nga pinasok ng aktres.


May ilan pa nga silang common friends na umayaw at hindi na rin daw close ngayon kay James dahil dito.


Hay, naaawa pa rin talaga kami sa iskandalong ito dahil ipit na ipit ang imahe ni James bilang negosyante.


Mas nakakaawa si Liza Soberano na naputukan ng todo-todong batikos at mga katawagang nakakonek sa pagkatao niya.


Sana naman ay makabangon sila sa nakakalokang iskandalo na ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page