PEN, NAOPERAHAN SA SPINE, SINAGOT NI COCO
- BULGAR
- Feb 10, 2023
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 10, 2023

Naging emosyonal ang beteranong aktor na si Ginoong Pen Medina nang ipakilala siya bilang parte ng FPJ’s Batang Quiapo sa ginanap na grand mediacon nitong Martes nang gabi sa Studio 10 ng ELJ Building, Kapamilya Network.
Bago pa binanggit ng ginoo ang role niya sa FPJBQ ay garalgal na ang boses niya na pinasalamatan si Coco Martin.
Kuwento ng premyadong aktor ay malaking tulong ang naibigay ni Coco para sa kanyang spine surgery. Kinailangan kasi niya ng malaking halaga para rito nang ma-diagnose siya ng Degenerative Disc Disease.
“Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil 'yun nga po, naospital ako, naoperahan.
Napakatindi po ng aking pinagdaanan. 'Yun pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya.
“Tinext ko siya para magpasalamat nang personal aside from my post na pang-general sa lahat ng tumulong at nagdasal."
Kasunod nito ay ikinuwento niya kung paano siya kinuha ni Coco, maging ang kanyang mga anak na sina Carl at Ping Medina, sa Batang Quiapo.
“Sabi niya sa akin, ‘Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag-taping tayo para hindi ka mainip sa bahay.’ Ganoon lang kasimple, kaya tuwang-tuwa po ako, napakalaking bagay po ito sa akin at sa aking pamilya.
"Kaya I love you, 'yun lang ang masasabi ko, I love you, Coco, napakalaki ng utang na loob ko sa iyo,” kuwento pa ni Ginoong Pen.
Ang ibang cast ng FPJ's Batang Quiapo ay sina Lovi Poe, John Estrada, Christopher de Leon, Charo Santos-Concio, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Senator Lito Lapid, Irma Adlawan, Christopher de Leon, at marami pang iba directed by Coco, Kevin at Malu Sevilla.
Mapapanood ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
JUDAY, TAKOT NA TAKOT SA SNOW

Inamin ni Judy Ann Santos-Agoncillo na hangga’t maaari ay ayaw niyang gumawa ng project na ang location ay sa ibang bansa dahil hindi niya kayang malayo sa pamilya niya.
Kaya maraming pag-uusap ang nangyari sa pagitan nila ng asawang si Ryan Agoncillo kung tatanggapin niya ang movie project na The Diary of Mrs. Winters o hindi.
Pero naisip naman din ni Judy Ann na kung pakakawalan niya ang project na ang shooting ay sa Toronto, Canada kung saan naging matagal na OFW ang kanyang Mommy Carol Santos simula noong anim na taong gulang pa lang ang aktres, kailan pa niya mao-overcome ang fear niya sa snow?
More than two weeks ang shooting ng The Diary of Mrs. Winters at winter season doon kaya aminado si Juday na malaking challenge ito sa kanya.
Ikalawa, tatlong taon na rin ang lumipas nang huli siyang mapanood sa pelikulang Mindanao kung saan hinirang siyang Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies.
At siyempre, balik-tambalan nila ito ni Sam Milby na nakasama niya 10 years ago sa TV series na Huwag Ka Lang Mawawala, na marahil ay naaaliw si Juday sa aktor dahil tinutukso niya parating, “Sasagot ka, ha? Kaya mo ‘yan.”
Base sa kuwento ng aktres, “More than anything, I’ve prayed for a project that would help me face my fears. I will be turning 45 this year and I think it’s the perfect time for me to face my fear of heavy snow.
“May matindi akong trauma sa snow. Siguro, para sa iba, parang napakababaw ng rason. ‘Ano ba naman, ang arte-arte? Sa snow, natatakot.’
“Nu’ng bata pa kasi ako, when I was in Toronto with my mom, ang feeling ko talaga, wala na akong tenga (dahil sa sobrang lamig). I was 14.
“Since then, ayaw ko nang maka-experience ng snow. But then again, our children, gustung-gusto nilang maka-experience ng snow.
“Gusto kong ma-surpass ang takot na ‘yun para ma-enjoy namin as family kapag nagka-chance na ng snow with them, ma-enjoy naming pareho.
“Ito na ‘yung dasal, sinagot na, hihindian ko pa ba? Mayroong mga taong ibinigay ni Lord sa akin to be comfortable working in Canada.
“These people will help me conquer my fear and at the same time make me do my work as an actress na sapat at tama. Para sa akin, that’s more than enough reason to enjoy this film even if takot na takot ako.”
Nakagawa na ng horror-drama movie si Juday tulad ng Kulam, pero iba rin kasing challenge ang karakter niyang bioforensic cleaner sa The Diary of Mrs. Winters.
Iikot ang kuwento sa main character na si Charity (Juday), na biglang magugulo ang buhay nang matagpuan ang diary ni Mrs. Winters na bigla na lang nagpakamatay.
“Matagal itong na-conceptualize. I have a very good story about an OFW, bioforensic cleaner in Canada. Ibinato ko kay Ricky Lee ‘yung kuwento nu'ng 2018 and nagawa namin ang script nang mabilisan. Natulog, nag-pandemic until I found a producer.
“This is a story of redemption. Ako, kapag gumagawa ako ng horror, hindi nananalo ‘yung demonyo. Good always win over evil. It talks about fighting for the people you love most, it talks about overcoming fear,” kuwento ni Direk Rahyan Carlos na forte ang horror tulad ng mga ginawa niyang movies na Shake, Rattle & Roll 8, Hide and Seek at Pamahiin.
Ang The Diary of Mrs. Winters ay ipapalabas sa 3rd quarter ng 2023 dito sa Pilipinas at abroad produced ng AMP Studios Canada at Happy Karga Films.




Comments