top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pelicans solo lider sa West; 76ers, wagi sa OT vs. Lakers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2022
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 11, 2022



Nanatili sa kamay ng New Orleans Pelicans ang solong liderato ng Western Conference matapos talunin ang bisita at dating pumapangalawang Phoenix Suns, 128-117, sa tampok na laro sa NBA kahapon mula sa Smoothie King Center. Lumapit ang bagong pangalawa sa West na Memphis Grizzlies sa bisa ng kanilang 114-103 pagwagi sa kulelat sa buong liga na Detroit Pistons.


Sinayang ng New Orleans ang 85-69 na lamang sa third quarter at pinabayaang agawin ng Phoenix ang abante, 108-107, at 4:28 sa orasan. Ginising ang Pelicans ng 3-points ni CJ McCollum at dunk ni Zion Williamson, 112-108, at kumapit sila sa nalalabing apat na minuto para sa pang-anim na sunod na tagumpay at kartadang 17-8.


Ipinasok ni Williamson ang 11 ng kanyang 35 puntos sa 4th quarter. Sumunod sina McCollum na may 18 at Larry Nance Jr. sa 17 puntos.


Umabot ng 22 ang lamang ng Memphis sa simula ng 4th quarter, 100-78, at inalagaan nila ito para sa ika-limang sunod na panalo at kartadang 17-9 na kalahating laro ang pagitan sa Pelicans. Nanguna sa Grizzlies si Jaren Jackson Jr. na may 20 puntos habang double-double si Ja Morant na 15 puntos 12 assist.


Nanaig sa overtime ang Philadelphia 76ers sa bisitang Los Angeles Lakers, 133-122.


Nakaisa si Joel Embiid sa kanyang tapatan kay Anthony Davis at gumawa ng 38 puntos at 12 rebound habang 33 puntos si De’Anthony Melton at 28 puntos at 12 rebound si James Harden.


Ibinuhos ng Philadelphia ang unang 12 puntos sa overtime, 132-120, bago naka-shoot si Patrick Beverley na may 35 segundong nalalabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page