top of page

Pelicans kumapit sa karera ng Playoffs, Heat, buhay pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 3, 2023




Hinigpitan ng New Orleans Pelicans ang karera para sa 2023 NBA Playoffs at tinalo ang bisitang LA Clippers, 122-114, kahapon sa Smoothie King Center. Sa Eastern Conference, buhay pa rin ang Miami Heat at nagwagi sa Dallas Mavericks, 129-122.


Lamang lang ng dalawa ang Pelicans, 101-99, at iyan ang hudyat para kaya Brandon Ingram na ipasok ang 10 puntos sa huling 7 minuto. Tinuldukan ni Ingram ang kanyang laro sa dalawang free throw na sinundan ng dalawa pa mula kay Trey Murphy III para sa 121-112 iskor na may 14.5 segundong nalalabi.


Nagtapos si Ingram na may 36 puntos. Umakyat ang Pelicans sa 40-38 at kalahating laro na lang ang agwat sa kanila ng Clippers na 40-38 para sa ika-anim at huling siguradong puwesto sa Playoffs at maiwasan ang Play-In Tournament.


Tumalon ang bisitang Mavs sa 20-12 lamang sa first quarter subalit bumawi agad ang Heat at naagaw ito sa wakas ng unang 12 minuto, 44-31, at hindi na nila binitawan ito.


Bumida si Jimmy Butler sa kanyang 35 puntos at 12 assist.


Samantala, nagkasundo na ang NBA at ang unyon National Basketball Players Association sa isang bagong pitong-taon na Collective Bargaining Agreement (CBA).


Dahil dito, makakaasa na magkakaroon ng kapayapaan sa liga at tuloy ang mga laro.


Bukas na rin ang daan para sa mga bituin na maglaro sa 2023 FIBA World Cup sa Pilipinas sa Agosto. Kung hindi nagkaroon ng bagong CBA ay mapipilitan ang mga koponan lalo na ang Team USA na magpadala ng mga manlalaro mula sa ibang mga liga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page