Pekeng klinika at sindikatong namemeke ng mga produkto, tugisin!
- BULGAR
- Feb 21, 2021
- 2 min read
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 21, 2021
Nitong nakaraang linggo ay ipinakita ng isang LGU official na may naglalako ng pekeng COVID-19 vaccine sa social media.
Kung kaya’t hinimok natin ang kapulisan, na imbes na habulin ang mga gawa-gawang banta ay mga sindikato at criminal group na gumagawa at nagbebenta ng pekeng gamot ang pagtuunan ng pansin.
☻☻☻
Ito ay maituturing na failure of intelligence, dahil Oktubre pa noong nakaraang taon ay may mga ulat nang lumabas tungkol sa mga ilegal na bakuna na kumakalat sa merkado.
Kasama rin ang sinasabing patagong pagbabakuna sa mahigit 100,000 Chinese POGO workers, at ang patuloy na pagbebenta ng mga pekeng bakuna at operation ng underground clinics.
Tungkulin ng law enforcement agencies na tugisin ang mga pekeng klinika at mga sindikatong namemeke ng mga produkto.
Lalo pa sana nilang paigtingin ang pagkuha ng impormasyon at datos, lalo na pagdating sa ilegal at patagong pagbabakuna, at ang paggawa at pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccines.
Dapat siguruhin ng pamahalaan na hindi maglipana ang mga peke at ilegal na bakuna dahil nakasalalay dito ang kalusugan ng ating mga kababayan.
☻☻☻
Paulit-ulit nating sinasabi na sa ngayon, COVID-19 ang kalaban. Ang dapat nating inaaksiyunan ay ang paglipana ng mga pekeng bakuna at ng mga underground vaccine services.
Kailangang tutukan ng mga awtoridad ang mga totoong banta sa public health at public security at public health. Criminal groups are taking advantage of the situation upang magkalat ng mga pekeng bakuna.
Sila ang mas dapat tugisin kaysa ang mga volunteer na nagsasakripisyo upang maturuan ang mga kabataan nating walang access sa edukasyon.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments