top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Pedicab driver na tulak, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | November 18, 2026



HVI na si alyas Kabayo sa Valenzuela - Circulated

Photo: Circulated



Tiklo ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) nang kumagat sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.


Sa kanyang ulat kay NPD Director P P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa illegal drug activities ni alyas Kabayo, 54, pedicab driver ng Malabon City na tumatawid pa umano sa Valenzuela para magbenta ng droga.


Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, ikinasa ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLt. Sherwin Dascil, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya ala-1:05 ng madaling-araw sa kanto ng Tulip at Dafodil Sts., Brgy. Malinta.


Ani SDEU Investigator PMSg. Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek na dati na rin umanong naaresto kaugnay sa kasong may kinalaman din sa droga ang pitong grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page