Pecson at Trupa ginto sa Duathlon Singapore T100
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by MC @Sports News | April 28, 2026

Photo: Nagkampeon sina Duathletes Mary Joy Trupa at Maynard Pecson sa nagdaang Singapore T100 Triathlon, kung saan kamakailan lamang ay pumangatlo lamang si Pecson sa ginanap na National Age Group Duathlon sa Villar City, Cavite. (Reymundo Nillama)
Nagawang makabawi ni Maynard Pecson at markado para sa top spot ng national age group duathlon championships sa idinaos na duathlon event sa Singapore T100 Triathlon. Trumangko rin si Franklin Yee, ang tormento ni Pecson na 2nd overall maging si Robin Banados ng Go For Gold na kumumpleto rin sa podium.
Dominante si Top Filipina duathlete Merry Joy Trupa mula sa simula hanggang magtapos sa kababaihan para sa 1st place overall at gold medal sa female 20-24 age category.
Ang Pia in Action (PIA) at ang Philippine Sports Commission (PSC) ang umagapay sa Team Philippines.
Sinungkit ni Pecson ang ginto sa 25-29 bracket habang nagdagdag din si Yee ng isa pang ginto sa 20-24 category. Tinahak ni Pecson ang 6K run/32k bike/3K grind sa 1 oras at 26 na minuto at 28 seconds (splits: 21:26/ 51:45/11:53).
Nakapagtala si Yee ng 1:29:09 at si Cebuano Banados (na suportado ng Go-for-Gold program ni Jeremy Go, 1:34:53). Naorasan si Trupa ng 1 hour 35 minuto at 56 segundo at manguna sa 10 sa hanay ng 600 mga kalahok.




Comments