PDP Laban daw ang partido… KIM, TATAKBONG CONG. SA CEBU SA 2022

Julie Bonifacio - @Winner | February 10, 2021

Kumakalat sa social media ang tsikang papasukin na rin ng It's Showtime host na si Chinita Princess Kim Chiu ang pulitika next year.
Tatakbo raw si Kim sa May 9, 2022 election bilang congresswoman sa 2nd District ng Cebu. Si Kim daw ang magiging "panabong" ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) sa nabanggit na lugar.
May nag-post sa aming Facebook account ng pagtakbo diumano ni Kim sa 2022 elections. Ang naturang post ay galing sa may account name na Kbp Negros Or.
Dagdag pang tsika sa naturang post, nakahanda raw mag-oathtaking si Kim bilang bagong member ng PDP Laban. At ang oathtaking ceremony daw ni Kim ay pangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao.
Sa true lang, okey din kung pasukin ni Kim ang pulitika. Mahilig namang tumulong si Kim sa mga kababayan natin. At mas marami pa siyang matutulungan kung magiging kongresista siya.
Pangalawa, kung magiging kongresista nga siya, matutulungan pa niya ang ABS-CBN na maaprubahan ang prangkisa ng Kapamilya Network.
Eh, mukhang true ang bali-balita na mas maraming artista, lalo na ang mga first-timer, ang magtatakbuhan sa 2022 elections? Palarin naman kaya si Kim sa pulitika?
Kunsabagay, mukhang may "winning charm" si Kim, eh. Lahat ng pasukin niya, winner siya lagi!
Ayan na, tiyak na kakabahan na ang mga makakalaban ni Kim, if ever.
Anyway, nagsimula na ang bagong season ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Nasa ika-limang taon na this year ang TNT at mukhang mas magiging mahigpit ang labanan araw-araw.
Matinding bakbakan din ang dapat na abangan tuwing Sabado dahil ang dalawang contestants na nagmamay-ari sa spotlight ang magtutunggali sa dalawang rounds para makuha ang mas mataas na hurado score at tanghaling weekly winner.
Kada araw naman, makakatanggap ng tig-P10,000 bilang premyo ang contestants na may pinakamataas na scores.
May chance ring maging hurado at manalo ng papremyo ang viewers sa kanilang mga bahay.
Ang gagawin lang ay mag-post sa Twitter o Facebook ng comment gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng Tawag ng Tanghalan contestant na sa tingin nila ay makakapasok sa top two.
Isang masuwerteng viewer naman ang pipiliin kada araw at magwawagi ng P5,000.
Mas maigi kung panoorin ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV.
Patuloy ding napapanood ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel.





Comments