top of page
Search
  • BULGAR

PDEA at PNP, na-setup dahil palpak ang mga bossing!

ni Ka Ambo - @Bistado | March 1, 2021



Darating na ang one million doses ng COVID-19 vaccine.


Isang bagsak dyan.


KLAP!


◘◘◘


Na-setup ang PDEA at PNP.


Meaning, palpak ang mga bossing!


◘◘◘


Sa ibang bansa tulad sa Japan, ang ganyang insidente ay sinusundan ng serye ng “courtesy resignation”.


KAPALMUKS.


◘◘◘


Kaawa-awa si P-Digong, napapaligiran ng mga iresponsable at walang delikadesang opisyal.


Gaano na ba 'yung magsumite ng “courtesy resignation", kahit pakitang-tao lang.


Kahit “pakitang-tao” ay wala ang mga kolokoy.


Hindi ba’t kaawa-awa si P-Digong?


Nabobola lang ng mga “basketbolero”!


◘◘◘


Isang kahinaan ng anti-illegal drugs campaign ay ang mga “pekeng opisyal” na porma-porma lang, pero walang “wisdom”.


May maituturo ka bang itinalaga ni P-Digong na “exceptional ang husay”?


Malungkot ang sagot: Wala po!


◘◘◘


May isang taon pa si P-Digong, may pagkakataon pa siyang magkusang “mapauntog” sa pader at upang matauhan.


Humugot siya ng “tunay na mahuhusay” na opisyal—hindi komo’t inirekomenda ng inner circle—ay maniniwala na agad siya!


◘◘◘


Lahat ng aspekto ay dapat minaster ng mga mauupong hepe ng PNP at PDEA.


Ang nakaraang insidente ay malinaw na dapat may command responsibility.


Dahil walang delicadeza, nakaka-demoralised 'yan mismo sa hanay ng PNP at PDEA!


◘◘◘


Maraming mahuhusay, tapat at responsible ng law enforcement personnel—pero nasasayang at nababalewala ang kanilang hirap dahil sa dispalinghadong liderato.


Nagmumula ang dispalinghadong liderato—sa mga bolero—mahusay sa “dakdak” pero bokya sa implementasyon at aktuwal na trabaho!


◘◘◘


Dapat nauunawaan mismo ni P-Digong ang sitwasyon at hindi basta-basta nakikinig sa “bulong brigade” na matagal na siyang nalilinlang.


Maraming bilib kay P-Digong, pero hindi sa kanyang mga ayudanteng pinaglalaruan ang kabaitan ng pangulo.


Tsk-tsk-tsk!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page