top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

PCSO, namigay ng food packs sa mga residente ng Taguig

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2021
  • 1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 13, 2021





Hello, Bulgarians! Sa pamamagitan ng tanggapan ni Vice-Chairperson at General Manager Royina M. Garma ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nag-donate ng 200 food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Barangay Palingon, Tipas, Taguig City.


Ang donasyon ay bahagi ng pangako ng ahensiya na dagdagan ang mga supply at mag-ambag sa gobyerno na mapanatili ang kabuhayan ng mga taong nadiskaril ang kabuhayan dahil sa pasulput-sulpot na lockdown sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.


Pinangasiwaan ni Ms. Emilyn Ubales mula sa Office of the General Manager ang turnover kay G. John Paul B. Ang, kinatawan ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Center na ginanap kamakailan sa extension office ng General Manager sa Sun Plaza Building, Mandaluyong City.


“Maraming salamat kay General Manager Garma sa mga food packs dahil maraming pamilya po ang makikinabang dito”, pahayag ni Mr. Ang.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page