- BULGAR
- Jan 8, 2024
ni Angela Fernando - Trainee @News | January 8, 2023

Nakakuha ng higit sa 2.6-milyong kilo ng basura sa pagsisimula ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN).
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, naglunsad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng programa nitong Sabado kasama ang pambansang sabayang paglilinis na kasali ang 9K na barangay.
Saad ng PCO, “A national status report of the DILG released late Sunday showed the KALINISAN program had collected 2,646,948 kilograms of trash from 9,189 participating barangays in the country.”
Nakiisa ang higit sa 580K katao at 100k lokal na opisyal sa nasabing clean-up drive.






