top of page
Search
  • BULGAR

PBBM, TINAWANAN LANG ANG PAGDAWIT SA KANILA NI MARICEL SA DROGA

ni Julie Bonifacio @Winner | May 7, 2024



Showbiz Photo
Photo: P-BBM at Maricel Soriano

Nagbigay na ng reaksiyon si Presidente Bongbong Marcos (PBBM) tungkol sa pagdawit sa kanila ni Diamond Star Maricel Soriano sa isyu ng droga.


Nitong nakalipas na linggo, naging balita ang pag-uugnay kina Maricel at PBBM sa isyu ng droga hanggang sa tumindi na ang usapin at umabot na sa Senado.


Kasunod nito ang pagkumpirma ni Senador Bato Dela Rosa sa pag-attend ni Diamond Star sa isang hearing sa Senado.


Sa kainitan ng isyung ito, nakorner daw ng ilang taga-media si PBBM at nakunan ng reaksiyon sa paratang sa kanila ni Marya kaugnay ng ilegal na droga.


Tumawa lang daw si PBBM nu’ng kunin ang kanyang reaksiyon.


Sey ng mga netizens… “Teka PBBM, bakit ho kayo natawa sa ‘Well done, Mr. President’ ni atcheng reporter?”


“Tawag d'yan, tawang bangag (laughing emoji).”


“Walang denial, napangiwi lang (shy emoji).”


Ayon naman sa ibang netizens, pang-asar lang daw ‘yun ni PBBM sa mga kalaban niya sa pulitika.


“Ganyan ang response ng taong may ‘bad past’ sa buhay.”


“Feeling n’ya artista s’ya na dapat dedma sa mga iniisip ng tao about him. He doesn't serve the people.”


Pero mas gustong malaman ng mga Marites ang reaksiyon ni Marya kesa kay PBBM.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page