PBBM, SEN. ROBIN AT SEN. RAFFY, WALANG MAGAGAWA PARA MAKALAYA SI VHONG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 30, 2022

Fake news na nakalaya at nakalabas na ng kulungan ang actor-comedian na si Vhong Navarro.
Diumano, tinulungan nina PBBM, Sen. Robin Padilla at Sen. Raffy Tulfo si Vhong kaya nakalaya.
Pero, hindi ito totoo dahil hindi naman basta makakalaya ang sinuman na sangkot sa non-bailable na kaso, kahit na sikat pang artista na tulad ni Vhong Navarro.
At hindi rin basta makikialam sina Sen. Robin at Sen. Raffy sa kaso ni Vhong. Posibleng moral support ang kanilang ibigay sa aktor. Magdaraan pa rin sa husgado ang lahat kung pagbibigyan ang apela ng kampo ni Vhong.
At lalong hindi naman makikialam dito si P-BBM dahil tiyak na maba-bash siya ng publiko.
Ang tanging magagawa na lang ng mga supporters ni Vhong Navarro ay magdasal upang kayanin ng aktor ang pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon.
The truth will set him free.





Comments