PBBM, lalabas na kahiya-hiya ‘pag sinopla ng SC ang BSKE postponement

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 26, 2026

MAJORITY SENATORS LALONG PUPUTAKTIHIN NG PAMBA-BASH NG MGA DDS KAPAG TINABLA NG SC ANG DESISYON NILANG IBABA ANG VOTING THRESHOLD KAY VP SARA — Nagsampa na si Atty., former Executive Sec. Vic Rodriguez ng petisyon sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa pagpapababa sa impeachment voting threshold sa conviction ni Vice President Sara Duterte, na ayon sa kanya (Rodriguez) ay malinaw na binaluktot ng mga majority senator-judge ang nakasaad sa Konstitusyon na ang hatol sa ini-impeach ay 2/3 of all senators na ibig sabihin 16 votes ang dapat na resulta ng boto kung nais na ma-convict ang ini-impeach.
Kapag kinatigan ng SC ang petisyon ni Atty. Rodriguez ay tiyak lalong iba-bash ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang majority senator-judges, boom!
XXX
MAY PUNTO SI CONG. PULONG NA SABIHANG BULOK NA ANG SENADO KASI BINALUKTOT DAW ANG BATAS PARA MA-CONVICT ANG KAPATID NIYANG SI VP SARA — Tahasang sinabi ni Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte na sa panahon ng Marcos administration ay naging bulok na raw ang Senado.
Hindi masisisi si Cong. Pulong na makapagsalita nang ganito kasi binabaluktot daw ng Senado ang batas sa pagpapababa ng impeachment voting threshold sa conviction para ma-impeach o mapatalsik sa puwesto ang kapatid niyang bise presidente, period!
XXX
KAPAG PINABORAN NG SC SI ATTY. MAC LALABAS NA KAHIYA-HIYA SI PBBM KASI ANG NILAGDAAN NIYANG POSTPONEMENT SA BSKE TINABLA NG KORTE SUPREMA — Inaprubahan o nilagdaan na ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaliban sa nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Nov. 2, 2026, at idadaos ang halalang pambarangay sa Nov. 2028 na ang mga magwawagi ay magkakaroon na ng 5-year term.
Dahil nilagdaan na, asahan nang kokontrahin 'yan ng election lawyer na si Atty. Romy Macalintal, at kapag kinatigan ng SC ang kanyang petisyon, kahiya-hiya ang kalalabasan dito ni PBBM kasi ang nilagdaan niya ay ibinasura ng Korte Suprema, boom!
XXX
TAUMBAYAN INUUNGGOY NG DOE SA OIL PRICE ROLLBACK — Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng oil price rollback next week, na mababawasan ng P7 ang kada litro ng diesel at P0.50 hanggang P1 ang kada litro ng gasolina.
Mantakin n'yo, nitong nakalipas na Martes (Sept. 22) ay ubod ng laki na P11 ang idinagdag sa kada litro ng diesel at P5 sa kada litro ng gasolina, tapos sa pabida ng DOE na oil price rollback ay ang mababawas lang ay P7 ang kada litro ng diesel at P0.50 hanggang P1 ang kada litro ng gasolina.
Ganyan kung ungguy-ungguyin ng DOE ang taumbayan, pwe!





Comments