top of page

PBBM, kontra raw sa impeachment pero asang matuloy sa 20th Congress ang impeach trial kay VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

AYAW DAW NI PBBM MA-IMPEACH SI VP SARA PERO ASANG MATULOY SA 20TH CONGRESS ANG IMPEACHMENT TRIAL SA BISE PRESIDENTE -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), sa kanyang pananaw daw ay maaaring ituloy sa 20th Congress ang impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na isinampa ng Kamara ngayong 19th Congress.


O, akala ba natin ayaw ni PBBM na ma-impeach si VP Sara, na ayon pa nga sa Malacanang ay never daw makikialam ang Presidente sa mga kasong impeachment na kinakaharap ng bise presidente, pero ngayon iba na ang himig ng Pangulo, na umaasa siyang matutuloy sa 20th Congress ang impeachment trial sa bise presidente, boom!


XXX


MALAMANG 18 SENADOR DIN ANG BOBOTO NA I-KILL NA SA 20TH CONGRESS ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA -- "Suntok sa buwan" kung matuloy pa ang impeachment trial kay VP Sara.


Sabi kasi ni Senate Pres. Chiz Escudero na bagama’t ibinalik ng Senado sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ laban kay VP Sara ay hindi raw nangangahulugan na "kill" na ang impeachment, at katunayan nga raw ay nagpadala na siya ng subpoena sa bise presidente para sagutin ang impeachment complaints laban dito.


Ang sinabing ito ni SP Escudero ay maituturing na pang-uunggoy lang sa publiko kasi tiyak hindi tutugon si VP Sara sa subpoena dahil ang ikakatwiran nito na wala siyang dapat sagutin kasi nga ngayong 19th Congress ay wala na sa Senado ang ‘articles of impeachment’ dahil ibinalik ito sa Kamara.


At pagsapit ng 20th Congress next month, tiyak haharangin ito ng mga pro-Duterte senators, magbobotohan uli, at sa tantiya natin, 18 senador uli ang boboto na ibasura ang impeachment kaya’t sa malamang, walang magaganap na impeachment trial kay VP Sara sa 20th Congress, period!


XXX


18 SENADOR, TILA HINDI ALAM NA ‘DI SILA DAPAT NAG-AABOGADO SA AKUSADO SA IMPEACHMENT -- Ayon sa mga law experts, hindi raw dapat mga senator-judges ang naghain ng mosyon na ibalik sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ dahil wala raw sa Konstitusyon o labag sa Saligang Batas na umakto silang (senator-judges) parang abogado ni VP Sara, na ang dapat daw naghain ng ganitong mosyon ay ang defense panel ng vice president.


Siguro, hindi alam ng 18 senator-judges na wala nga ito sa Konstitusyon, na hindi sila dapat nag-aabogado sa akusado sa impeachment kaya nagkaisa silang bumoto na ibalik sa Kamara ang ‘articles of impeachment’ laban kay VP Sara, boom!


XXX


SA ARAW NG KALAYAAN, MALAYANG NAKAPAG-SMUGGLE SINA ALYAS 'LEAH C.' AT 'GERRY T' -- Sana, kapag sumasapit ang Araw ng Kalayaan ay mas doblehin ang paghihigpit sa Customs.


May impormasyon kasi na habang idinadaos ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon, ay malaya rin daw nakapagpuslit ng mga smuggled na gulay at meat ang mga kilalang smugglers na sina “Leah C” at “Gerry T.”, buset!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page