top of page
Search
BULGAR

PBBM, imbes solusyunan ang pagbaha, climate change ang sinisi

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 9, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SANA SA NEXT EJK HEARING, DUMALO NA SI EX-P-DUTERTE PARA MAKITA NG PUBLIKO KUNG SINO SA EX-PRESIDENT O QUAD COMMITTEE MEMBERS ANG DUWAG -- Hindi dumalo si ex-P-Duterte sa imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara nitong nakalipas na Huwebes (Nov. 7) kaugnay sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa noong panahon ng Duterte administration, at ayon sa ilang kongresistang miyembro ng komite, naduwag daw sa EJK probe kaya hindi dumalo ang dating presidente.


Sana nga sa next EJK hearing ay dumalo na si ex-P-Duterte para masaksihan ng publiko kung sino ang maduduwag, ang dating presidente o mga cong. kapag nagkaharap na sila sa Kamara, abangan!


XXX


AKALA NI VP SARA HINDI TATAPYASAN NG SENADO ANG OVP BUDGET, TINAPYASAN DIN -- In-adopt o sinegundahan na rin ng Senado ang budget cut na isinagawa ng Kamara sa budget ng Office of the Vice President (OVP) na mula sa mahigit P2 billion proposed budget ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio para sa kanyang tanggapan sa year 2025, ay ginawa na lang itong P733 million.


Sa totoo lang, masakit para kay VP Sara ang ginawang iyan ng Senado kasi majority senators ang nagsabi noon na hindi raw dapat ginawa ng Kamara ang napakalaking budget cut sa OVP, na akala naman ng bise presidente ay hindi babawasan ang proposed budget ng OVP, ‘yun pala ia-adopt din ng Senado ang inaprub ng Kamara na P733M OVP budget next year, tsk!


XXX


SA TOTOO LANG, MAS MARAMING NAWALAN NG WORK KAYSA IBINIDA NG PSA NA MARAMING PINOY ANG NAGKATRABAHO -- Ang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nadagdagan daw ang mga Pinoy na nagkaroon ng trabaho sa bansa ay taliwas sa inilabas na data noong Nov. 6, 2024 ng tenant advisory group na Cushman and Wakefield firm na sa 3rd quarter ng year 2024 ay 18.2% ng mga paupahang tanggapan sa ‘Pinas ay nabakante.


Kung ganyan (18.2%) karami ang mga paupahang opisina na dating may mga nag-oopisina o nagtatrabaho, na sa ngayon ay mga nabakante na, ibig sabihin niyan, mas marami ang nawalan ng work kaysa nagkaroon ng trabaho, boom!


XXX


NAGAWA PA NI PBBM NA SISIHIN ANG CLIMATE CHANGE SA PAGBAHA SA ‘PINAS IMBES SOLUSYUNAN ANG PROBLEMA -- Kinondena ni former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) nang sisihin ng presidente ang climate change sa mga nagaganap na pagbaha sa bansa kapag may pumasok na bagyo na may dalang malakas na ulan.


May dahilan si Colmenares na kondenahin si PBBM sa isyung ito kasi imbes gawan ng solusyon ng kanyang pamahalaan ang mga pagbaha sa bansa, eh, ang sinisisi ay ang climate change, period!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page