top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PBBM, dededmahin lang daw ang atake ni VP SARA, bakit?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 22, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KUNG BIRO MAN, WALANG NATAWA SA SINABI NI VP SARA NA HUHUKAYIN SA LIBINGAN SI MARCOS SR. AT ITATAPON SA WEST PH SEA -- Sa presscon ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay may ilang mamamahayag pa ang natawa nang sabihin niyang gusto niyang pugutan ng ulo si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi maituturing itong joke.


Pero nang sabihin niyang gusto rin niyang hukayin sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni former Pres. Ferdinand Edralin Marcos Sr. at itapon ito sa West Philippine Sea (WPS) ay wala nang natawa, kasi sa totoo lang, kahit na ang turing niya rito ay joke, ay malinaw na masamang biro iyan, period!


XXX


ATAKE NI VP SARA, DEDEDMAHIN LANG DAW NI PBBM, ANO KAYA ANG DAHILAN, HINDI KAPATUL-PATOL ANG BISE PRESIDENTE O TAKOT LANG SIYA SA PAMILYA DUTERTE? -- Sabi ni Presidential Communication Office (PCO) Sec. Melchor Chavez ay hindi na raw papatulan o magbibigay ng statement si PBBM sa mga ginawang atake sa kanya ni VP Sara.


Dalawa lang ang ibig sabihin niyan, maaaring para kay PBBM ay hindi kapatul-patol ang mga atake sa kanya ni VP Sara o kaya ay may takot siya sa pamilya Duterte kaya ayaw na niyang makipagbangayan pa sa bise presidente, boom!


XXX


NAPUTAKTE NANG BATIKOS ANG QUAD COMMITTEE DAHIL ANG TINGIN NG NETIZENS BINIGYAN NG IMPORTANSYA ANG SUSPECTED DRUG LORD NA SI KERWIN ESPINOSA -- Pinutakte nang batikos ang Quad Committee ng Kamara nang gawin nilang resource person ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.


Sa totoo lang mababatikos talaga ang QuadComm, ang dapat nang gawin nilang resource person si Espinosa, iyong hearing ay kanilang isinagawa sa executive session at hindi live sa telebisyon at social media dahil sa nakita ng publiko na masyadong binigyan ng importansya ng mga cong. ang suspected drug lord na si Espinosa, period!


XXX


MGA REELECTIONIST NA PARTYLIST NA ‘DI RAMDAM ANG SEBISYO, NAGPAPABIDA LANG SA KAMARA, IBASURA SA HALALAN -- Ang dami na namang mga partylist, mga reelectionist at mga bagong partylist ang maglalaban-laban sa May 2025 midterm election.


Dito tayo magpokus sa mga reelectionist na partylist.


Panawagan natin sa ating mga kababayan na kung ang partylist na lagi nilang ibinoboto, pero hindi naman nila ramdam ang serbisyo at mga pabida lang ang ginagawa sa Kamara, ay isa lang ang dapat nilang gawin, ibasura na sa halalan ang mga reelectionist na partylist na ito, at ang iboto ay ang mga bagong partylist na may marginalized sector at totoong nagseserbisyo sa mamamayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page