top of page
Search
  • BULGAR

PBBM, balik-'Pinas mula sa trilateral meeting sa Washington

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 14, 20244




Bumalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. matapos dumalo sa trilateral summit kasama ang mga pinuno ng United States (US) at Japan sa Washington.


Si Marcos at ang kanyang partido ay dumating sa Maynila bandang 3:03 ng umaga nitong Linggo.


Nakipagkita si Marcos sa kanyang naging biyahe sa Washington kina Pangulong Joe Biden ng US at Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida.


Siniguro naman ni Marcos na napag-usapan nila sa kanilang pagpupulong ang kanilang paninindigan sa isang mapayapa, ligtas, at maunlad na Indo-Pacific.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page