Payo sa mga naghihiwalay… "BIGYAN NG SECOND CHANCE" — SEN. BONG
- BULGAR
- Feb 10, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 10, 2024

Medyo umitim si Sen. Bong Revilla, Jr. nang maka-face-to-face namin sa ipinatawag niyang intimate chikahan with the press para sa Season 2 ng kanyang action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na nagsimula na ngang umere last Sunday, Feb. 4, 7:15 PM sa GMA-7.
Nag-motorcade kasi sila ng ilang kasama sa cast sa Cavite at Taguig last week to promote his show na sa TV napapanood pero pang-pelikula ang quality dahil binonggahan talaga ang mga eksena.
Pero kahit medyo umitim si Sen. Bong, "matulis pa rin daw siya sa chicks", biro nito nang tanungin namin kung saan siya matulis, sabay-dugtong pa ng "Tingin ko, tingin ko naman" (laughs out loud) nang tanungin uli namin kung 'graduate' na ba siya sa kanyang playboy image.
But seriously, ang nakakabilib kay Sen. Bong, sabi nga niya, kahit napagdaanan na nila ni Mayor Lani Mercado ang lahat ng klase ng pag-aaway, heto pa rin sila, magkasama at buo ang pamilya.
"Ang asawa ko, ilang taon na kaming magkasama, kahit marami siyang naririnig sa akin, alam niya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya ka-secure sa akin," ayon pa sa simpatiko pa ring senador.
Oh, 'di ba't nakakabilib naman talaga 'yun, dahil sa dami ng mga young showbiz couples ngayon na 'di pa nga nagpapakasal, eh, naghihiwalay na.
Hiningan nga namin ng payo si Sen. Bong para sa mga lalaking may playboy image na sinasabing dahilan kaya naghihiwalay ang mga celebrity couples.
Sagot nito, "Du'n na lang sa mga couples, ang importante kasi sa relasyon, pagkatiwalaan n'yo ang isa't isa, 'wag 'yung simpleng selos, eh, hahayaan n'yong masira ang relasyon. Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa, importante 'yung tiwala. Ipakita mo na hindi dapat maghiwalay. Dahil siyempre, it takes two to tango, eh… Dapat bigayan 'yan."
Dagdag pa nito, "Hangga't maaari, 'pag may problema, pag-usapan, 'wag tulugan 'yun, tapusin 'yun the same night."
Payo rin nito, dapat daw mag-forgive and forget kapag nagbigay ng second chance.
Eh, teka, pa'no kung halimbawang 'yung girl naman ang nagloko, kaya rin ba niyang bigyan ng second chance?
"Masyado kasing one way dito sa Pilipinas, eh. Saka hindi ako naniniwalang kayang gawin sa akin ng girl, kasi masarap magmahal si Bong Revilla, at wala na siyang makikitang Bong Revilla," proud na hirit nito.
So, never siyang naloko ng girl?
"Never, never nangyari sa akin 'yan. Nasa pagdadala ng relationship 'yan," with confidence pang sagot ng guwapong senador.
Oh, ha?! So, take it from Sen. Bong na matigas na… matulis pa, char!
Basta, watch n'yo na lang ang kanyang Walang Matigas na Pulis sa Matulis na Misis every Sunday, 7:15 PM sa GMA-7 para maaliw na kayo, marami pa kayong matututunang life lessons.
Luxury car ni Daniel, binarat, tinanggihan… BOSS TOYO, BIBILHIN NG P100K ANG DAMIT NI KATHRYN

Huwooow, ang vlogger-businessman na si Boss Toyo, endorser na rin ngayon!
Yes, you heard it right, dahil bukod sa pagiging business partner ng negosyo ni Ms. Grace Angeles, ambassador na rin ng SCD or Skin Care Depot ang sikat na sikat ngayong Pinoy Pawnstar owner.
Kuwento ni Boss Toyo sa media launch nila ng singer-social media influencer na si Sassa Dagdag, nahihilig kasi siyang mag-bike ngayon kaya kailangan niya ng sunblock para 'di masira ang skin niya at mag-looking young pa rin sa edad na 43.
At bilib siya sa mga produkto ni Ms. Grace kaya nakipag-partner na rin siya at ipino-promote ang SCD sa kanyang mga vlogs.
Tinanong namin si Boss Toyo kung ramdam niyang sikat na sikat na siya.
Aniya, tulad pa rin naman daw ng dati, although 'pag pumupunta raw siya ngayon sa mga malls, ang dami nang nagpapa-picture, kaya minsan, kapag may lakad sila ng mga anak niya at ayaw niyang maistorbo sila, nagtatago siya sa hood niya para 'di makilala.
Ine-enjoy naman daw niyang sikat siya, kaso nga lang, kailangan din naman daw niya ng privacy paminsan-minsan.
Tinanong din namin si Boss Toyo kung nanghinayang ba siyang 'di binili ang luxury car na ibinebenta sa kanya ng ahente ni Daniel Padilla.
Bagama't tinawaran niya ang presyo ng sasakyan ni Daniel, 'di sila nagkasundo sa presyo kaya tinanggihan niya ngang bilhin ito.
Aniya, nanghinayang din siya pero ganu'n daw talaga, 'di rin naman lahat ay kaya niyang bilhin dahil 'di pa siya ganu'n ka-rich. Pero kung si Daniel daw mismo ang nagbenta nu'n, baka binili niya.
Asked din namin siya na kung sakaling may gamit naman si Kathryn Bernardo na bibilhin niya para ibigay na Valentine gift sa kanyang misis na fan ni Kathryn, ano 'yun?
"'Yung uniform ni Kathryn sa She's Dating the Gangster," sagot ni Boss Toyo.
Magkano?
"Sana kung mababarat natin, baratin natin. Kung kaya ng isandaang libo (P100K), eh, di okay tayo du'n, 'di ba?" aniya pa.
Tarush talaga ni Boss Toyo na nu'ng dumating sa presscon, eh, parang nasa P1 M yata ang halaga ng suot na gold necklace at bracelet, ha?!
Sana all na lang talaga!




Comments