Payo sa mga misis na problemado kay mister…“‘WAG NAGGER!” — CONGW. LANI
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 24, 2022

Usung-uso ngayon ang hiwalayan sa showbiz, kaya nakakabilib namang 36 yrs. na palang kasal sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado and yet, stronger together pa rin sila at paulit-ulit ngang sinasabi ng aktor-senador na ‘my only wife’ niya ang nanay ng kanyang mga anak.
Pero alam n’yo bang dumating din pala sa point na muntik nang maghiwalay ang mag-asawa?
Inamin ‘yan nina Congw. Lani at Sen. Bong nang makatsikahan nila ang entertainment press sa birthday lunch treat ng senador who will turn 56 tomorrow, Sunday (Sept. 25).
Of course, like any other relationships, nagkaroon din daw sila ng matinding away. But big thanks sa kanilang mga “tagapayo” at isa na ru’n si Manay Lolit Solis na manager ni Sen. Bong kaya hindi nauwi sa tuluyang hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Sabi nga ni Congw. Lani, kapag hindi na raw niya kaya ang mga problema, isa lang talaga ang ginagawa niya, prayers! Ipinauubaya na raw niya kay Lord ang mga bagay na hindi niya na kayang kontrolin.
At may payo siya sa mga misis kapag problemado sa kani-kanilang asawa. Para hindi mauwi sa hiwalayan ang pag-aaway, “‘Wag nagger,” sabi ni Congw. Lani na inayunan naman nang bonggang-bongga ni Sen. Bong with matching big smile kaya lalong naningkit ang chinito eyes nito.
Kunsabagay, thoughtful and sweet naman din daw si Sen. Bong at lagi nitong sinusuyo si Congw. Lani dahil naniniwala raw ang senador sa sanctity of marriage at dapat ay buo ang pamilya, kaya hanggang ngayon nga, they’re still together.
Kaya ‘yung mga young couples d’yan na gustong tumagal ang relasyon, mag-seminar kayo kina Sen. Bong at Congw. Lani, okidok?!
Anyway, dapat abangan ng mga fans ni Sen. Bong ang kanyang ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAYS bukas, September 25, 6 PM dahil hindi lang uulan, babagyo pa ng papremyong 2 brand new cars, P100,000, P50K, P20K at P10K cash prizes, 10 motorcycles at marami pang gadgets, bukod sa 500 katao ang tatanggap ng tig-P1 thou!
Kaya tutok na sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph. at baka isa kayo sa mga palaring manalo.





Comments