Payo sa mga kapwa artista… KRIS: ‘WAG MAG-AASAWA ‘PAG WALA PANG IPON
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 11, 2026

Photo: IG / Kris Bernal
Hindi pinagsisihan ni Kris Bernal kung pinili niyang magpahinga muna sa showbiz nang magdesisyon siyang magpakasal sa Chinese businessman na si Perry Choi. Naging full-time wife at mom siya at nagkaroon ng negosyo.
Ganunpaman, hinahanap pa rin niya ang masayang mundo ng showbiz at ang muling makaarte. Masuwerte rin siya na very supportive ang kanyang mister at pinagbigyan siyang bumalik sa showbiz.
Muling naramdaman ni Kris ang pagiging celebrity. Marami siyang naging guestings sa mga TV shows ng GMA-7. Naging matatag at stable ang kanyang kita at nabibili niya ang lahat ng kanyang gusto.
Kaya payo ni Kris sa mga single girls ngayon sa showbiz, huwag sumubo agad sa pag-aasawa kung hindi pa financially stable. Huwag magmadali na basta i-give-up ang career kung hindi pa handa.
Sa kanyang kaso, na iniwan ang career dahil sa pag-ibig, masuwerte siyang muling nakabalik sa showbiz.
Tama rin ang pinili niyang maging life partner, mahal na mahal siya at nasusunod ang lahat ng kanyang gusto.
Ngayon, kahit na hindi siya ang bida sa serye, maganda ang exposure niya sa telebisyon. Uso na naman siya.
Bukod kina Marian at Dingdong…
BEA AT VINCENT, INAABANGANG MAG-GUEST SA GGV NI VICE
MULING pumirma ng kontrata si Vice Ganda sa Kapamilya Network, kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa noontime show na It’s Showtime (IS) matapos mapabalitang na-suspend siya rito.
Well, hula ng mga netizens ay ibabalik ang Gandang Gabi Vice (GGV) show niya, pero sa GMA-7 ito mapapanood.
Wala pang kumpirmasyon mula sa mga bossing, pero ito rin ang naririnig naming gagawin ni Vice para sa Kapuso Network.
Posibleng sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga unang guests ng show. Posible rin na pumayag na mag-guest si Bossing Vic Sotto dahil may movie sila na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.
At bongga kung maiimbita ni Vice Ganda ang bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co.
BFF, uninvited…
DIMPLES, ‘DI NAPIGA SA NAGING SECRET WEDDING NINA BEA AT VINCENT
ISA si Dimples Romana sa mga dinumog ng entertainment press sa Tara Kapatid! 2026 Midyear Media and Trade Celebration ng TV5.
Mag-best friend sina Dimples at Bea Alonzo, kaya marami ang nagtataka o nagtatanong kung bakit hindi siya naimbita at nasabihan tungkol sa magaganap na civil wedding nina Bea at Vincent Co. Hindi ba siya na-offend at nagtampo?
Well, sey ni Dimples, wala siyang tampo at hindi rin na-offend kung hindi man naimbita sa kasal. Magkaibigan sila ni Bea kaya nagkakaintindihan sila sa maraming bagay.
Basta happy siya para kay Bea na natagpuan na nito ang kanyang ‘the one’. Alam ni Dimples na kakayanin nito ang bagong yugto at journey sa kanyang buhay-may-asawa.
Bilang isang matapat na kaibigan, ayaw nang magdetalye ni Dimples sa inside story ng civil wedding, kaya hindi siya napilit ng media na magsalita tungkol sa buhay ngayon ni Bea bilang Mrs. Co.
Samantala, may bagong morning news show si Dimples Romana sa TV5, ang Frontline sa Umaga, na ini-relaunch ng network ngayong Agosto 10. Kasama niya rito sina Ed Lingao, Chiqui Roa-Puno, Angela Lagunzad-Castro at Andrei Felix.
Kasama rin si Dimples sa bagong series na Someone, Someday (SS) na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid, with Maja Salvador.
Bukod diyan, nasa Gud Morning Kapatid din si Dimples, kaya sa tatlong shows siya napapanood sa Kapatid Network.
MAY magaganap na crossover sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at sa afternoon soap na Born to Shine (BTS).
Magiging bahagi si Abunda ng serye dahil sa pagge-guest ni Zephanie sa Fast Talk bilang si Jennie, na humiwalay na sa kanyang grupo at nagdesisyon na mag-solo.
Pipirma na siya ng kontrata sa isang malaking recording company. Nagpasalamat si Zephanie kay Boy Abunda dahil bukod sa mabait at matulungin, niregaluhan pa nito ang grupo niya sa BTS ng damit na isusuot nila sa taping.
Thankful din si Zephanie sa mga lead stars ng serye na sina Manilyn Reynes, Vina Morales, Sheryl Cruz, Tina Paner, Smokey Manaloto, Michael Sager at iba pa sa suportang ibinibigay sa mga baguhang tulad niya.





Comments