Paulo, nag-noted… JANINE, HUMIRIT NA PANG-FOREVER NA ANG GUSTONG BF
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 2, 2022

Biglang naging emosyonal si Janine Gutierrez sa mediacon ng Ngayon Kaya when asked kung ano ang gusto niyang hilingin sa universe about love.
May tema kasi ang Ngayon Kaya tungkol sa parallelism sa universe.
“Uhm, ako, gusto ko lang na eventually when settled down na, kami na forever. Kasi, in my family, halos lahat yata ng couples, like my parents, everyone, naghiwalay. So, ako, nalulungkot ako. Hahaha! Ako, when I settle down, gusto ko forever," sabay tingin sa likod ni Janine while holding back her tears.
At walang anu-ano ay nagsalita si Paulo ng “Noted.”
Siyempre, kinilig ang mga entertainment press na present sa mediacon after ng special screening ng Ngayon Kaya kahapon.
Showing na ang first movie team-up nina Paolo at Janine directed by Prime Cruz on June 22 in cinemas.





Comments