top of page
Search
  • BULGAR

Paulo, 'di pa BF… KIM, UMAMING NAGHAHANAP PA NG DYOWA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 8, 2024



Showbiz news


Sa launching ng Brilliant Skin Essentials' Hello Melo ni Ms. Glenda ay hindi nagsama sa stage sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Added na info pa ng ilang Marites ay nauna raw umalis si Paolo sa venue ng said launch.

Anyway, super happy si Kim sa naging preparation ng kanyang mga fans regarding sa kanyang 18th anniversary sa showbiz dahil may pa-electronic billboard pa sila. Kaya naman, panay ang pasasalamat ni Kimmy.


Sey ni Kim, “June 3! Thank you for reminding me fam!!! Today marks my 18th year in showbiz! Maraming-maraming salamat po sa love and support through the years! Thank you @KimChiuFBpage for this BONGGANG SURPRISE LED BILLBOARD! Salamat sa inyong lahat, grabe kayo,” reply ni Kim sa post ng kanyang mga fans club.


Actually, muntik na raw niya itong makalimutan, pero grabe nga ang pagbati ng kanyang mga fans, ayon kay Kim sa It’s Showtime ng Kapamilya Network.


Kaya nang humirit si Jhong Hilario na sana naman ay ibang anniversary ang i-celebrate niya, sundot ni Teddy Corpuz, kahit monthsary na lang.


Pero sumagot si Kim ng “Hahanap muna ako ng ka-monthsary.”


So, true ang tsika ng ilang Marites na hindi pa jowa ni Kim si Paulo Avelino kung ganu’n.


Sey mo, Xian Lim?


Anyway, emosyonal si Kim na nagpasalamat sa mga fans na nand'yan at kasama niya sa ups and downs.


Sa Q and A portion ay natanong si Kim kung ano ang feeling na hindi lang sila sa teleserye magkasama ngayon ni Paulo kundi maging sa endorsement na rin.


“Siyempre, masaya kaming pareho because this is a blessing for us. Siyempre, masaya kami na nasa Brilliant kami and then, sobrang bait sa ‘min ni Madam (Glenda, CEO),” sey ni Chinita Princess.


Sa totoo lang, sunud-sunod ang bagong endorsement ngayon ni Kimmy. So keep it up, Kim Chiu. More product endorsements pa for you!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page