PAULO, 2 BESES MUNTIK MAG-WALKOUT NANG MATANONG SA LOVE LIFE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 3, 2023

Todo-iwas si Paulo Avelino nang matanong ng entertainment press ang tungkol sa kanyang love life. Maraming fans din kasi siyempre ang gustong malaman kung kumusta na ba sila ni Janine Gutierrez since matagal-tagal na ring walang balita tungkol sa kanila matapos nilang ma-link habang ginagawa nila ang seryeng Marry Me, Marry You.
Sa thanksgiving mediacon ng Linlang kung saan ay lead actor si Paulo, nakapanayam namin ang aktor at game naman siyang sumagot sa mga tanong maliban lang sa kanyang love life.
Aliw kami sa aktor na dalawang beses nag-attempt na mag-walkout sa tuwing matatanong ang tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.
Kinumusta ng press kung hindi ba malamig ang kanyang Pasko at aniya, “Malamig lagi ang Christmas ko kasi nagki-Christmas lagi ako sa kung saan ako ipinanganak, sa Baguio.”
Natanong kung wala ba siyang special someone na isasama sa Baguio at tila nabingi si Paulo.
“Ha? Alin?”
Anyway, ever since ay malihim naman talaga ang aktor when it comes to his private life.
Samantala, puring-puri ng netizens ang kahusayan ni Paulo sa kanyang portrayal bilang Victor at awang-awa talaga ang mga viewers sa kanyang karakter na niloloko ng asawa played by Kim Chiu.
In fairness sa aktor, talaga namang sobrang focused niya sa kanyang karakter sa Linlang to the point na marami siyang tinanggihang proyekto habang ginagawa niya ito.
“Kinailangan talagang i-sacrifice ang ibang projects dahil hindi angkop sa look ko sa Linlang and nagtataka nga ang ibang tao na parang nagpabaya raw ako, pero it was only to prepare for Linlang.
“So, kumbaga, ‘yung dedication ko na ibinigay sa proyektong ito, ibinigay ko talaga. Hindi ako tumanggap ng ibang proyekto para matutukan ko ‘to.
“At the same time, ang dami ko ring disiplina na in-instill sa sarili ko para ma-achieve ‘yung sa tingin ko na makakatulong sa show in terms of believability,” pahayag ni Paulo.





Comments