top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Paulit-ulit naloko… NANG-SCAM KAY ALDEN, NOT JUST ONE BUT MARAMI!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 29, 2023


Hindi lang pala sina Alden Richards, Mikee Quintos at Paul Salas ang nabiktima ng mga scammers. Maging ang Kapuso couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ay na-scam din.


Pero hindi naman sila nagbigay ng detalye tungkol dito. Lumabas lang ang scam issue nang may nagtanong kung bakit wala sila sa ginanap na GMA Sparkle Halloween Ball.


Ang ibinigay na dahilan nina Jeric at Rabiya ay na-scam sila kaya hindi nakadalo sa nasabing big event ng GMA Network.


Kaya may ilang netizens ang na-curious kung ano’ng klaseng scam ang nangyari sa kanila. Magkano ang halagang na-scam sa kanila?


Well, dapat ay nag-iingat na rin ang mga artista-celebrities sa mga taong hindi nila gaanong kilala na mag-aalok ng investment na kikita nang malaki. Sabi nga ni Alden Richards, kung ang offer na interes sa pera mo ay malaki at “too good to be true,” hindi ‘yun totoo at hindi legal na investment.


Dagdag pang payo ni Alden Richards, bago raw pumasok sa anumang investment scheme, dapat ay may sapat na kaalaman sa negosyong iniaalok sa ‘yo. ‘Yun ang biggest mistake na nagawa ni Alden Richards. Hindi siya nagtanung-tanong sa mga bagay o negosyong kanyang pinasok kaya balitang umabot sa P200 milyon ang na-scam sa kanya.


At hindi lang pala isa o dalawang tao ang nang-scam-nanloko sa kanya, marami sila. Kaya ngayon, sinisikap ni Alden na aralin ang mga negosyo na gusto niya bago siya mag-invest. Kailangan na sigurado na siya na marami siyang kaalaman sa pagnenegosyo at ‘wag ipamahala sa iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page