Paulina Celestine ang name… TONI, NANGANAK NA SA 6.8 LBS. NA BABY GIRL
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 12, 2023

Kahapon (August 11) pa lang pala nanganak si Toni Gonzaga sa second baby nila ni Direk Paul Soriano.
In-announce ito ni Direk Paul sa kanyang Instagram account by posting a photo of Toni na karga ang baby habang nasa hospital bed at kasunod nito ay ang artcard na naglalaman ng impormasyon sa panganganak ng kanyang misis.
"Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived!" nakasulat sa artcard, kaya nalamang 'yun pala ang name ng 2nd baby nila ni Toni.
Sinabi rin ni Direk Paul na 2:05 PM nanganak si Toni kay Paulina na 6.8 lbs. ang timbang, kasabay ang pasasalamat sa mga sumuporta at nagdasal para sa safe delivery ng kanyang asawa.
Congrats kina Toni at Direk Paul!





Comments