Pauleen, dedma na lang… NAKARAAN NI VIC KINA PIA AT JULIA, NABUHAY NA NAMAN
- BULGAR
- Mar 30, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 30, 2023

Hindi namin alam kung ano ang motibo ng ilang trolls na pilit na binubuhay na naman ang isyu tungkol sa pagkakaroon daw ng relasyon dati ni Bossing Vic Sotto kina Pia Guanio at Julia Clarete na mga dating co-hosts ng Eat… Bulaga!.
Paulit-ulit na lang na ibinabalik ng mga bashers ang ganitong fake news na ang tanging layunin lang ay sirain ang magandang image ni Vic.
Mabuti na lamang at hindi mapagpatol sina Vic at Pauleen Luna kaya hindi apektado ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
'Yung tungkol kay Pia Guanio, alam naman sa showbiz na naging GF talaga siya noon ni Bossing Vic. Pero, walang naging malinaw na dahilan sa hiwalayan nila.
Habang si Julia, never namang umamin si Vic na nagkaroon sila ng relasyon. Puro haka-haka at fake news lang ang mga ipinagkakalat ng mga bashers laban kay Vic.
Buti na lang, hindi mabilis maniwala ang mga tagahanga ng TV host sa mga chismis na kumakalat.





Comments