top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PAUL, UMAMING NAGING TOXIC ANG RELASYON NILA NI BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 26, 2023





Inamin ni Paul Salas na nagkaroon siya ng bitterness sa dati niyang girlfriend na bagama’t hindi pinangalanan ay obvious namang si Barbie Imperial ito.


Naging guests si Paul at ang current girlfriend niya na si Mikee Quintos sa Fast Talk with Boy Abunda at isa nga sa mga napag-usapan ang previous relationship ng aktor.


Nabanggit din kasi ni Paul na nagkaroon siya ng trauma nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at nadala niya ito nang magkaroon siya ng girlfriend.


"Dumaan po sa akin 'yung trauma na… 'yung ‘pag iniiwan ng ka-relationship, like sa girlfriend and all.


"Hindi ko po alam ‘yun hanggang sa makilala ko ito (Mikee). At parang siya pa 'yung nakakita noon sa akin," pahayag ni Paul.


Inamin ng aktor na naging toxic talaga ang relasyon nila noon ni Barbie.


"Kaya rin po actually, Tito Boy, naging toxic dahil meron po ako sa sarili kong... nandoon na 'yung trust issues ko, nandoon na 'yung tamang hinala ko.


"Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso.


"Kasi feeling ko, konting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan 'yung nagiging karelasyon ko, feeling ko, lolokohin na ako," aniya.


Matatandaang naging kontrobersiyal ang breakup nina Paul at Barbie dahil nagkaroon ng isyung sinaktan ng una physically ang huli.


Ayon kay Paul, ngayon lang nawala ang bitterness niya sa ex-GF.


"Actually, aaminin ko po, ngayon lang nawala 'yung pagiging bitter ko sa kanya. Kasi noong time po na ‘yun, hindi ko matanggap, Tito Boy, actually na ilabas 'yung mga ganu'ng news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo,” lahad niya.

"But I’m okay now," sambit niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page