PAUL, NAGULO ANG BUHAY AT NASIRA ANG CAREER DAHIL KAY BARBIE
- BULGAR
- Oct 18, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 18, 2022

Masayang-masaya at halatang inspirado ang Kapuso actor na si Paul Salas. Mukhang happy ang kanyang love life ngayon dahil kay Mikee Quintos.
Two years na silang in a relationship, pero nagawa nilang ilihim muna ito sa publiko.
Ngayon na lang sila umaamin sa kanilang relasyon.
Bago si Mikee, may iba ring artista ang naugnay kay Paul Salas. Kaso, nauuwi sa breakup at hindi naging maganda ang impluwensiya sa buhay ni Paul.
Ngunit nang makilala niya si Mikee ay nag-iba ang pananaw ni Paul sa pag-ibig. Nag-focus na siya sa kanyang career at mas pinagbuti na ang pag-arte. Malaki rin ang ipinagbago ng ugali ni Paul Salas.
Sabi nga ng GF niyang si Mikee Quintos, na-trauma si Paul sa isa niyang ex-GF noon. Naging magulo at problematic daw ang una niyang relasyon kaya nagkawindang-windang ang buhay at career ni Paul at nawalan ng direksiyon.
Well, hindi man pinangalanan ng Kapuso actor kung sino ang problematic at pasaway niyang ex-GF, alam sa showbiz circle na si Barbie Imperial 'yun. Panay ang away nila noon hanggang sa tuluyan nang naghiwalay.
Kay Mikee Quintos natagpuan ni Paul Salas ang tunay na pagmamahal at pang-unawa.





Comments