ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 15, 2024
Photo: Kylie Padilla - Instagram
Akala pa naman namin ay maayos na ang relasyon ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica at nagkasundo na rin sila sa co-parenting sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Pero bakit kaya recently, parang sunud-sunod ang patutsada o hugot post ni Kylie laban kay Aljur? May bago kayang isyung namagitan sa dalawa?
Kung matatandaan, unang nag-post si Kylie ng tungkol sa pagiging mabuting leader na dapat magsimula sa pagiging ama matapos mag-file si Aljur ng kanyang Certificate of Candidacy para kumandidatong konsehal sa Angeles, Pampanga.
Pero kahit mukhang rumesbak na ng sagot at ipinagtanggol ni AJ Raval ang boyfriend na si Aljur, hindi pa rin naawat si Kylie at may kasunod na namang post three days ago tungkol sa paano ba magpalaki ng isang lalaki.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Kylie ng photo ng isang libro na may title na How to Raise a Boy.
At sa mahabang caption nito, ramdam mo ang hugot ng aktres na gustong palakihin nang tama ang dalawang anak na lalaki, na tama ba kami sa pakiramdam naming ayaw niyang matulad kay Aljur?
Laman ng mahabang caption ni Kylie, "One thing about me is that I am painfully welcome to anything that will give me a humbling experience. Once my anxiety creeps I sit with it and figure out what my soul is trying to tell me. After these few days I have been grappled with a question.
"So what truly makes a good man? What does it mean to be a good man in this terribly heartless and cruel world?
"I found myself wallowing in my own bias and well, judgement and noticed that I too need some educating on this subject. After all my two boys will one day become men and I hope to guide them correctly to the right path where their feelings, failures, mistakes are properly understood and processed rather than excused as weakness.
"I cannot do that if I have resentment towards their sex. There is a lot of healing that still needs to be done. That’s where books play such a crucial role in my life. They have always been a parent to me in some strange way."
Mukhang sa pagbabasa hinahanap ni Kylie ang mga sagot sa kanyang mga tanong, kaya sabi pa niya, "So far, this book has made me reflect on my own style of parenting and strangely see from new eyes how and why the other men in my life became the way that they are."
Kasama na nga kaya sa "the other men in my life" na 'yun si Aljur?
Dagdag pa niya, "Empathy and forgiveness plays such a huge role. It is a long going perception that masculinity is always hard, always tough and somehow disconnected to any sort of feeling that is considered a feminine feeling.
"But the truth is the more that their feelings are nurtured and understood, the more that their masculinity flourishes. So as a mom of two boys, anything that will help me undo my own deeply rooted toxic beliefs on masculinity is a step closer to me in becoming a better parent to them. That is a blessing that I am grateful for."
Oh, ha? Lalim, devah?!
Napaisip tuloy kami na hindi kaya sa sobrang deep mag-isip ni Kylie, eh, 'di na kinaya ni Aljur kaya na-fed up na ito? Or puwede ring vice-versa na dahil 'di makasabay si Aljur sa 'expectations' ni Kylie, kaya na-fall out of love na ang aktres?
Hmmm… whatever!
Ang bottom line n'yan, a good parent can set aside his/her feelings para sa anak dahil ang pinakaimportante pa rin sa lahat ay ang makakabuti sa bata.
Sana raw nabuntis agad…
ALEX, SINISISI ANG MAGULANG NA 'DI SIYA PINAYAGANG LUMANDI NANG MAAGA
Sa launching ng Gonzaga Family as the newest endorser ng Chef Aybs' Paragis Tea last Friday, medyo mature na Alex Gonzaga na ang nakapanayam ng entertainment press kasama ang kanyang ever-loving and supportive parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga.
Proud si Alex na malaki na ang ipinag-mature niya at nag-iba na rin ang mindset niya especially sa konsepto ng pagkakaroon nila ng baby ng asawang si Mikee Morada.
Kung nu'ng mga unang taon daw kasi after nilang maikasal ay nape-pressure pa si Alex sa pagkakaroon ng baby, ngayon ay 'come what may' na lang ang motto niya lalo't in-assure naman na siya ng kanyang OB-Gyne na anytime ay puwede na siyang magbuntis dahil healthy ang immune system niya at wala namang problema sa katawan niya, lalo ngayong umiinom na siya ng Paragis Tea for detoxification.
Pero hindi pa rin nawawala ang pagiging witty at makulit ng younger sis ni Toni Gonzaga-Soriano, dahil sa interview namin sa kanya kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, pabiro nitong sinisi ang kanyang parents na kung hinayaan daw kasi siyang lumandi nang maaga, baka raw ngayon ay may anak na siya. Hahaha!
Naku, Juicy days pa lang ni Alex sa TV5, nakita na namin kung gaano siya kakulit at ka-witty kaya sakay na sakay na namin ang ugali niyang 'yan na 'di naman dapat gawing big deal ng iba.
Anyway, nabanggit pala ni Mommy Pinty na dahil sa nakita nilang good effect ng Chef Aybs' Paragis Tea, 'di lang sila endorser kundi partner na rin sa negosyo at balak pa nga raw nilang mag-franchise abroad para sa mga kababayan nating Pinoy doon.
Oh, why not, chestnut, coconut at Choc-Nut?!
Comments