top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Ano raw ‘K’, bakit napili? KATHRYN, TAOB SINA BEA, ANNE AT HEART, MAY WAX FIGURE NA SA MADAME TUSSAUDS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 16, 2026



TEKA NGA - KATHRYN, TAOB SINA BEA, ANNE AT HEART, MAY WAX FIGURE NA SA MADAME TUSSAUDS-IG _bernardokath

Photo: IG _bernardokath



Marami ang nagtatanong at naiintriga kung bakit napili si Kathryn Bernardo upang gawan ng wax figure ni Madame Tussauds. 


On the record, pitong Pilipinong artista pa lamang ang ginawan ng wax figure. Kabilang na rito sina Lea Salonga, Miss Universe Pia Wurtzbach, Manny Pacquiao atbp..


Ano ang pamantayan na pinagbasehan upang mapili si Kathryn para sa wax figure? Naririyan naman ang iba pang sikat at malalaking artista tulad nina Bea Alonzo, Anne Curtis at Heart Evangelista. 


Tiyak na magpoprotesta ang ilang fans at supporters ng mga celebrities na mas sikat pa umano kay Kathryn Bernardo.


Well, sino ang nagrerekomenda? May epekto ba ito sa karera ng bawat celebrity na mapipili?





MATAPOS ang matagumpay na series ng reunion concert ng Sexbomb Girls, inakala ng marami na tuluy-tuloy na ang magandang samahan ng grupo. 


Dahil dito, muli silang naging in demand at nakatanggap ng iba’t ibang show offers, kabilang ang international bookings.


Gayunman, may kumakalat na balita na may ‘gap’ o hindi pagkakaunawaan umano sa pagitan nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia. Dahil dito, may ilang shows na hindi na sila magkasama at may kani-kanya na raw silang grupo sa ilang engagements.


Matagal na rin umanong umiikot ang isyu sa dalawa, kahit pa noong panahon ng Sexbomb Girls sa Eat… Bulaga! (EB!).


Si Rochelle ang leader ng grupo, habang malaki rin ang naging ambag ni Jopay sa kanilang mga performances. 


Nang magpahinga ang Sexbomb Girls, naging abala si Jopay sa Zumba classes at iba’t ibang out-of-town shows.


Sa ngayon, parehong aktibo ang mga dating miyembro sa kani-kanilang proyekto, ngunit wala pang pahayag ang magkabilang panig tungkol sa isyu, kaya nananatiling haka-haka ang mga ulat.





Kahit magiging pamilya ng mga anak, kasya…

MANSION NI SHARON SA MAKATI, SUPER-LAKI



NAKAKALULA sa laki ang ipinatayong mansion ni Megastar Sharon Cuneta sa isang exclusive subdivision sa Makati. Napakarami nitong kuwarto, at ayon sa ulat, maaaring tumira roon ang buong pamilya kahit pa magkaroon ng kani-kanilang sariling pamilya ang kanyang mga anak. 


Ito umano ang nais ng Megastar, ang mapagsama-sama sa iisang bahay ang kanyang mga anak.


Gayunman, posibleng piliin ng kanyang mga anak na sina Miel at Frankie Pangilinan na bumukod kapag nagkapamilya na upang magkaroon ng sariling espasyo at kalayaan. 


Sa kabila nito, itinuturing na malaking investment ang naturang property mula sa kinita ni Sharon sa showbiz, na maaari ring ibenta sa mas mataas na halaga. 


Kilala si Sharon sa kanyang mga real estate investments, na ayon sa kanya ay natutunan niya sa kanyang yumaong ama na si dating Pasay Mayor Pablo Cuneta.





MAY ilang netizens ang nagtatanong kung bakit si Tonton Gutierrez ang napiling gumanap bilang ama ni Max Collins sa seryeng The Master Cutter (TMC)


Ayon sa ilang komento, hindi umano ganoon katanda si Tonton, kahit pa may mga anak na rin siya sa aktres na si Glydel Mercado.


May mga nagsasabi rin na mas bagay kung mas matatandang aktor ang gumanap sa ganitong papel, habang ang iba ay naniniwalang maaari rin siyang ipareha sa mas batang aktres dahil sa kanyang hitsura at dating.


Gayunman, maaari ring ang naturang papel ay akma sa direksiyon ng kuwento, kaya tinanggap ito ni Tonton Gutierrez. 


Sa huli, mahalaga ang maayos na pagganap sa karakter, anuman ang edad o impresyon sa kanyang imahe.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page