Kahit anak pa ng parehong artista… MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBIZ
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 16, 2026

Photo: IG _vicosotto
Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung gaano kasuportado ang kanyang ina, ang beteranang aktres na si Coney Reyes, sa lahat ng kanyang mga desisyon sa buhay.
Sa panayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube (YT) channel, tinanong si Mayor Vico tungkol sa istilo ng pagpapalaki sa kanya ni Coney at kung naging istrikto ba ito bilang ina.
Saad ni Mayor Vico, “Si mama ko, number one ‘yan na supportive. So, never n’ya ako pinilit sa isang bagay. Never n’ya akong pinilit sa isang sport or club. Basta kung ano’ng gusto ko, go. Kung ano’ng kailangan ko, go. Ganu’n lang talaga si mama.
“‘Di ko alam kung paano kay kuya at ate, kasi malaki rin ‘yung age gap. So, siguro, nu’ng ako na, baka nag-mellow down (kalmado o maluwag) na rin o ano.”
Sa nasabing panayam, natanong din si Mayor Vico kung bakit hindi niya pinasok ang pag-aartista kahit na parehong artista ang kanyang mga magulang na sina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.
Ayon kay Mayor Vico, hindi kailanman sumagi sa isip niya ang pagpasok sa showbiz.
“Never. Pero ‘pag ini-invite ako ng parents ko, lagi naman akong tumatanggi. Ayoko talaga. It’s not for me. It was never in my horizon. It’s not in my interests. So, kani-kanya lang naman tayong interest. ‘Di rin naman nila ako pinilit,” sey ni Mayor.
Well, hindi man naging artista ang anak ni Bossing Vic na si Vico, naging mahusay naman siyang alkalde ng Pasig at patuloy na hinahangaan dahil sa kanyang serbisyo publiko.
Pak, ganern!
Sa loob lang ng isang buwan, dobleng biyaya ang natanggap ng aktor-talent manager na si Ogie Diaz mula sa kanyang mga anak.
Noong June 1, nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Medical Technology (MedTech) ang kanyang anak na si Godhie, na nakatanggap din ng Faculty of Pharmacy Award at Manuel L. Quezon Leadership Award.
Nitong June 13 naman, naka-graduate with honors sa Senior High School (SHS) sa University of Santo Tomas (UST) ang isa pa niyang anak na si Georgina.
Saad ni Mama Ogs sa kanyang post, “Proud Daddy Ogie here! Graduate na sa Senior High School sa MAD (Music, Arts & Design) strand sa UST ang aking anak na si Georgina, 18 years old.
“Napakatahimik na bata. ‘Di palatsika. Comfort zone n’ya ang kanyang bedroom. Akala ko nu’ng una, puro computer games ang pinagkakaabalahan dahil paminsan-minsan, akala ko, nagsasalita mag-isa sa kuwarto. ‘Yun pala, may kausap. Sumisigaw pa nga o napapasigaw.
“‘George, matulog na, ‘Nak! Ano’ng oras na?! Magkaka-pimples ka!’ Lagi n’yang naririnig sa akin ‘to. In fairness, sumusunod naman ‘pag sinasabihan ko.
“Sabi ko nga, maka-graduate lang sila, masaya na kami ng mama nila. Aba, ‘di lang basta um-attend kami ng mama n’ya ng graduation ceremony, umakyat din kami ng stage para sabitan si George ng medal bilang Graduate with Honors.
“Dalawang estudyante from College of Mass Communication ang nag-interview sa akin sa baba. Isa lang ang sinabi ko, ‘Tulad ng ibang proud parents, ‘wag nilang sayangin ang pagod ng parents nila para mapag-aral sila. ‘Di ito para sa amin, para ito sa kanilang kinabukasan. Bonus na lang sa pakiramdam ng mga magulang nila kung gusto nilang makatulong sa parents nila kaya gusto nilang makatapos at makapagtrabaho.
“Congrats, George! Basta kung ano’ng gusto sa college, go lang. Nandito lang naman kami ng mama mo, naka-support palagi sa pangarap n’yong magkakapatid.
“Kaya nga habang tumatanda na ako, kailangang alagaan ang sarili, ang health at mental health dahil tatlo pa silang magka-college.
“Kaya ‘yan. Wala akong ‘di kakayanin basta para sa pamilya at kinabukasan ng mga anak. Nagbebenta po ako ngayon ng mga properties. Sa mga interesado, PM (private message) is the key.”
Isang malaking congratulations, Panyerong Ogie Diaz, at sa iyong buong pamilya!





Comments