top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Patung-patong ang kaso sa pagwawala sa bar… AWRA, BANTAY-SARADO, BAWAL LUMABAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 18, 2023




Bale apat na kaso na ang isinampa ni Mark Christian Ravana laban kay Awra Briguela sa sala ng Makati Prosecutor's Office.


Nauna na rito ang pagdinig sa kasong slight physical injuries kasabay ng kaso namang disobedience to a person in authority na mga pulis naman ng Makati ang nagsampa.


Noong August 16, nadagdagan pa nga ito ng tatlong kaso mula kay Mr. Ravana at ito nga ang light threats, grave coercion and violation of the Safe Spaces Act.


Ang kaibigan nating si Atty. Nick Nangit ang counsel ni Mr. Ravana. Ayon pa kay Atty. Nangit, lahat ng mga witnesses nila sa loob at labas ng bar nang mangyari ang gulo ay nakahandang tumestigo sa kanyang kliyente, kasama na nga rito ang pagprisinta pa ng mga statements at videos na may kaugnayan sa mga kaso.


Na-summon na raw si Awra, habang meron namang isang kaibigan ang batang aktor-host na nagsampa rin ng demandang physical injury laban kay Mark Ravana.


Meanwhile, nasagap din natin ang tsikang bantay-sarado si Awra ng mga handlers niya, lalo't may panibagong mga kaso itong kakaharapin. Hindi nila ito pinahihintulutang gumamit ng social media at kontrolado umano ang mga galawan nito kasama na ang pakikipag-bonding sa mga kaibigan at paglabas-labas sa mga pampublikong lugar.


Although may upcoming TV show ito next month, wala pa umanong kasiguraduhan kung ipagpapatuloy pa nito ang stint niya sa isang TV5 show.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page