top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Patuloy ang serbisyo sa oras ng krisis at COVID-19 pandemic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2021
  • 2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | January 29, 2021



Sa huling linggo ng Enero, walang tigil ang ating pag-iikot sa buong bansa para magserbisyo sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.


Saanmang sulok ng Pilipinas — nasunugan, naapektuhan ng lindol o bagyo, lahat ng klaseng krisis — pupuntahan natin para makapagbigay ng tulong.


Noong Sabado, 18 pamilya na nasunugan ang hinatiran natin ng tulong sa Talisay City, Negros Occidental. Nitong Lunes naman, 18 pamilyang nasunugan ang natulungan natin sa Molo, Iloilo City. Pagdating ng Martes, 82 pamilya ang natulungan sa Pasay City habang sa Manolo Fortich, Bukidnon, 20 pamilya ang ating natulungan kasama ang walong biktima ng pagbaha. Nitong Miyerkules, 47 pamilya sa Baseco, Manila at 40 pamilya sa Novaliches, Quezon City ang natulungan natin.


Samantala, nag-abot tayo ng ayuda sa 830 katao sa La Paz at 554 naman sa Trento, Agusan del Sur noong Sabado. Nitong Lunes, namahagi tayo ng tulong sa 336 katao sa Uson, Dimasalang, Mobo at Milagros sa Masbate. Habang noong Martes, 940 katao ang natulungan sa Allen, Northern Samar. Pagdating ng Miyerkules, 1,002 katao sa Veruela at 749 katao sa Talacogon sa Agusan del Sur ang nabigyan ng ayuda. Nitong Huwebes, nagbigay tayo ng tulong sa mga kababayan natin sa 160 katao sa Loreto at 686 katao San Francisco sa Agusan del Sur.


Noong Huwebes ang mga kababayan sa Sorsogon upang makapag-abot ng karagdagang tulong sa 1,428 katao na nabiktima ng bagyo.


Bukod sa mga biktima ng sunog at bagyo, patuloy din ang serbisyo sa mga kababayan na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19.


Pumunta tayo sa Pasay City noong Martes upang kamustahin ang mga Tricycle operators at drivers doon bago pinuntahan ang mga biktima ng sunog sa parehong lungsod. Pagdating naman ng Huwebes, sa ating pagbisita sa Sorsogon, namahagi tayo ng assistance sa ilang benepisaryo sa Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital, Sorsogon City kasabay ng ating monitoring visit sa Malasakit Center sa nasabing ospital. Mayroon din tayong ipinadalang tulong sa 282 na magsasaka at 69 na indigenous peoples sa South Cotabato kahapon.


Sa ating pag-iikot, namahagi ang ating opisina ng ayuda, tulad ng food packs, masks, face shields, vitamins at pagkain. Nagbigay rin ng bisikleta, sapatos at computer tablets sa ilang piling benepisaryo. Kasama ang ilang ahensiya tulad ng DTI, DA, NHA, DOH, DSWD, at iba pa na nagbibigay din ng hiwalay na tulong ayon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.


Habang sinisikap nating makakuha ng sapat, ligtas at epektibong bakuna para sa lahat, lalo na para sa frontliners, mahihirap, at parte ng vulnerable sectors, hikayatin rin natin ang ating komunidad na patuloy na magbayanihan at sumunod sa mga patakaran upang tuluyang maitigil ang pagkalat ng sakit.


Tungkol naman sa COVID-19 vaccine roll-out, mahalagang masigurong makakaabot ang mga bakunang ito sa mga pinaka-nangangailangan kahit sa malalayong lugar.


Kaunting tiis lang. Magtulungan tayo, anumang krisis ang ating hinaharap, hindi tayo pababayaan ng gobyernong nagmamalasakit.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page