Patuloy ang pagbaba ng timbang… FANS, HUMIHINGI NG DASAL PARA KAY KRIS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 10, 2022

Malakas ang pananalig sa Diyos ni Kris Aquino. Isa siyang madasaling tao at naniniwala siya sa power of prayers.
Kapag may mabigat siyang problema ay sa Diyos siya humihingi ng tulong at pagdamay.
Kaya naman ngayong may karamdaman siya na mahirap hanapan ng lunas, marami ang nagdarasal para siya ay gumaling.
At ngayon na patuloy ang pagbaba ng kanyang timbang, nananawagan ang mga fans at supporters ni Kris na mag-offer ng dasal para sa kanya.
At this point of her life, kailangan ni Kris ng maraming prayer warriors para sa kanyang paggaling. Wala namang imposible kung tutuusin. Maraming nagagawa ang dasal sa buhay ng isang maysakit.
At kung ang lahat ng taong nagmamahal kay Kris Aquino ay mag-o-offer ng dasal para sa kanyang paggaling, for sure, makakarating sa langit ang lahat ng panalangin at posibleng may milagrong maganap.





Comments