top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Patong Patong, panalo, hinangaan sa Race Merged

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 9, 2023



Isa sa mga kabayong hinangaan ng mga karerista nito nakaraan ay si Patong Patong nang manalo sa Condition Race Merged na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Ginabayan ni jockey Jomer Estorque, nirehistro ni Patong Patong ang impresibong tiyempong 1:40.4 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si FF Datu ang P10,000 added prize.


Kahit napahirapan sa unahan ay hindi nagpatinag si Patong Patong nanatili ang kanyang tikas hanggang sa rektahan.


May dalawang kabayo ang panalo ni Patong Patong kay Runawayfromrosenot nang tawirin nito ang meta, tumersero si Charm Campaign.


Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nagpasiklab din si Fire Council matapos manalong dehado sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Sinilat ni Fire Council ang mga liyamadong sina Main Event at Sophisticated na ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.


Inilista ni Fire Council ang 1:25.8 minuto sa 1,400 meter race upang ibulsa ang karagdagang P10,000 na premyo.


Samantala, hinahanda si Patong Patong para sa sasalihang mas malaking karera kaya tiyak na aabangan ito ng kanyang mga tagahanga.


Maging ang mga karera sa Linggo ay hinihintay na rin ng mga karerista ang line up.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page