Patong-Patong, larga sa Turf Special Race
- BULGAR
- Apr 15, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 15, 2023
Aarangkada si Patong Patong sa magaganap na NPJAI - Mr. Vincent Eric Go Bon Special Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Inaasahang isa si Patong Patong sa anim na kalahok ang bebenta sa takilya dahil sa kanyang husay sa karerahan.
Gagabayan ni rising star jockey Jomer Estorque, makakalaban ni Patong Patong sina Electrify, Golden Sunrise, Marilag, Cat Bell at Civics Class sa distansiyang 1,600 meter race.
Posibleng magbigay ng magandang laban sina Civics Class at Cat Bell sa event na nakalaan ang garantisadong premyo na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P10,000 sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
"Mahirap na karera 'yan, lahat magagaling kaya mas maganda kung multiple ang pipiliin na kabayong tatayaan sa winner take all para malaki ang tsansa makapuntos," saad ni Emilio Aguilar, veteran karerist.
Paniguradong aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong kabayo sa NPJAI - PHILTOBO Special Race na pakakawalan sa unang race.
Magtatagisan ng bilis sa nabanggit na karera sina Bantay Sarado, Galactus, Mendel Bell, Douglas Fir, Take A Chance, Great Angie at magka-kuwadrang Flamenco Dust at Mr. Old Rich.
Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Mendel Bell (3), Bantay Sarado (1)
Race 2 - Patong Patong (3), Civics Class (6)
Race 3 - Lucky Julliane (14), My Dad Bogart (11), Barayong (4)
Race 4 - Concepcion (4), Bada Ding (8),
Race 5 - Es Em Bee (7), Hamlet (9), Stardust (2)
Race 6 - Love Radio (7), Sunny Side (8)
Race 7 - Digital (14), Mettle Strength (5), Dollarama (8)
Race 8 - Krugerrand (9), Ambisioso (1), Main Event (4)
Race 9 - My Sweet Lord (1), Commodora (11), Phenom (12)





Comments