top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pati tulog, apektado… PAOLO, AMINADONG NAI-STRESS SA EAT BULAGA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 25, 2023





Aminado si Paolo Contis na talagang nai-stress siya ngayon bilang bagong host ng Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc.. Nabanggit niya ito sa red-carpet premiere night/mediacon ng latest movie niyang Ang Pangarap Kong Oskars.


Ayon sa aktor ay nag-a-adjust pa siya sa schedule niya ngayon since may daily show na nga siya kaya apektado rin ang tulog niya na may kahalo pang stress.


“Nanibago nga (ako) kasi nu’ng mga first few days, siyempre, pagod ka pag-uwi ng mga alas-tres o alas-kuwatro (ng hapon), nakakatulog ako kaagad. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, iidlip muna ‘ko.


“Ang nangyayari, nagigising ako nang alas-dose na, 12 midnight na. Tapos, 'di na ‘ko makatulog,” simulang kuwento ni Paolo.


Talaga raw malaking adjustment ito for him at sey niya, “Hindi ko akalain na ganu’n siya kahirap. Siguro, kasama na ru’n ‘yung stress.


“You know, alam naman natin kung ano ‘yung pinagdaraanan namin. So, merong stress ‘yun, mayroong pressure ‘yun.”


Bagama’t nag-e-enjoy naman daw siya sa hosting, siyempre ay may kalakip pa rin daw itong stress and pressure kaya mas nakakapagod.


“So, 'pag umuuwi ka, talagang drained ka,” sambit niya.


Pero worth naman daw ang lahat ng stress at pagod dahil nakikita rin naman niya ang dedikasyon ng mga katrabaho niya, plus masaya naman daw sila sa studio.


Samantala, kapuna-puna na paborito talaga si Paolo ng MAVX Productions dahil matapos ang mga pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap and A Far Away Land, muli siyang bibida sa Ang Pangarap Kong Oskars na isang comedy-fantasy-thriller film.


Kakaibang trip sa kababalaghan at katatawanan ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars mula sa direksiyon ni Jules Katanyag. Nakasentro ang istorya nito sa kuwento ni Bobby B (Paolo) na gustong patunayan na kaya niyang makagawa ng isang pelikulang maaaring makapaglagay sa Pilipinas sa international movie stage.


Sa tulong ng kaibigan na si DMZ (Joross Gamboa), gagawa sila ng pelikula kahit kapos sa pondo at suporta ng mga tao sa industriya.


Showing in cinemas on June 28, kasama rin sa movie sina Long Mejia, Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Jon Santos at marami pang iba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page