Pati pamilya ng GF, niregaluhan… ROLEX WATCH, X'MAS GIFT NI GERALD KAY JULIA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 11, 2022

Tinupad ni Gerald Anderson ang matagal nang pangarap ni Julia Barretto na magkaroon ng Rolex watch dahil last Christmas, ito ang Christmas gift ng actor sa kanyang girlfriend. First Rolex watch ito ni Julia.
Bale second expensive watch na ito ni Julia dahil bago pa ang Rolex watch na regalo ni Gerald, bumili rin ito ng expensive watch para sa kanyang sarili. Reward daw niya ‘yun sa two years na hard work niya.
Hindi binanggit ni Julia ang brand ng relo na regalo niya sa sarili, pero sabi ng mga fans, Cartier watch 'yun.
Hindi lang si Julia ang lubos na pinasaya ni Gerald last Christmas, dahil pati ang kapatid ng aktres na si Erich, labis ding natuwa nang matanggap ang regalo ni Gerald na huge Hello Kitty stuffed toy. Makikitang niyakap ni Erich si Gerald karga ang Hello Kitty stuffed toy na sabi ng kapatid nitong si Leon Barretto, matagal nang dream ni Erich.
Hindi nabanggit kung ano ang Christmas gifts ni Gerald kina Marjorie Barretto at mga kapatid ni Julia na sina Leon at Claudia.





Comments