Pati pamilya, binigyan… P17 K RED ROSES, V-DAY GIFT NI DANIEL KAY KATHRYN
ni Nitz Miralles - @Bida |February 18, 2022

Ang mahal pala ng bouquet of red roses na Valentine’s Day gift ni Daniel Padilla sa girlfriend niyang si Kathryn Bernardo dahil worth P16,999 daw ang Te Amo Cherry Boxed Blooms.
Tingin namin, hindi lang 12 red roses ang nasa box, parang 24 roses ang natanggap ni Kathryn na maganda rin ang arrangement.
Hindi lang si Kathryn ang binigyan ng flowers ni Daniel last Valentine’s Day kundi pati ang mom ng GF na si Min Bernardo at gayundin ang three sisters ng aktres.
Ipinost ni Min ang mga photos nila ng mga anak hawak ang flowers na Valentine’s Day gift sa kanila ng future manugang niya, kaya puro bulaklak ang kanilang bahay.
Paano nga namang hindi mamahalin ng family ni Kathryn si Daniel kung pati ang kanyang mga magulang at kapatid ay mahal ng aktor? Saka, hindi lang siya ang nireregaluhan, lahat sila.
Anyway, si Kathryn ang bagong endorser ng isang brand ng paracetamol, kaya kapag nagkaubusan na naman ng nasabing gamot, siguradong may manghihingi sa kanya.





Comments