top of page
Search
  • BULGAR

Pati painting, 'di nakaligtas… NURSERY ROOM NG ANAK NI ANGELICA, PINUNA NG MGA NETIZENS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 17, 2022



Ibinahagi ni Angelica Panganiban at ng partner niyang si Gregg Homan ang magiging room ng kanilang first baby sa isang video clip na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account.


Aniya sa caption: “Slowly but surely."


Halos puti ang color ng kuwarto kung saan sa wall ay may mga naka-paint na different sea creatures.


Happy ang aktres na magkaka-baby na siya finally.


Sabi nga niya nu'ng ianunsiyo niyang buntis siya, “Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”


Kaya lang, habang masayang-masaya sina Angelica at Gregg, may mga Marites namang netizens na hindi nagustuhan ang mga pictures sa nursery room.


Lahat ay kanilang pinupuna like ang big whale na naka-paint sa dingding na nawala ang kalahating buntot.


Dapat daw ay pinag-isipang mabuti ang espasyong paglalagyan.


May nagsasabi pang dapat daw ay wall glass ang ipinalagay nang sa ganu'n ay makikita raw agad nila ang baby, tutal naman ay katabi lang nila ang kuwarto nito.


Marami pang suggestions ang mga netizens na ikinangingiti na lang ni Angge habang binabasa ang mga komento.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page