top of page
Search
  • BULGAR

Pati pagsasama sa hotel abroad, ipinagkalat… DOMINIC TAKLESA, MGA LIHIM NI BEA, IBINUKING

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 16, 2024





Akakalokah din naman ang ilang vloggers ngayon, 'no! 


Imagine, sa kabila ng pakiusap nina Bea Alonzo at Dominic Roque na bigyan sila ng privacy after nilang amining hindi na matutuloy ang kanilang kasal (na wala namang ibinigay na anumang dahilan kung bakit), eh, patuloy pa rin ang pagkalat ng samu't saring isyu na ikinakabit sa hiwalayan nila.


Ang malala pa, hindi na blind item kundi diretsahan nang pinapangalanan ang mga guy politicians na diumano'y 'sponsor' ni Dominic Roque kaya can afford ito sa bonggang lifestyle sa kabila ng wala naman itong TV shows o movies.


Take note, hindi lang isa, tatlong rich guy politicians pa ang idinawit kay Dominic, na of course, ayaw naming pangalanan dito to be fair with them, lalo't wala naman kaming hawak na resibo sa questionable gender nila, 'no!


Pero ito na lang ang take namin sa hiwalayang Bea at Dominic. Napanood kasi namin ang isang past interview kay Dom ng good friend at business partner niyang si QC 4th District Congressman Bong Suntay.


Sa naturang interview, obviously ay kampanteng-kampante si Dominic sa pagsagot sa mga personal questions tungkol sa relasyon nila ni Bea. 


And for sure, during that time ay okay na okay pa ang relasyon nila ni Bea, kaya naman walang qualms si Dom sa pa-"tell-all" niya sa mga ganap nila ng aktres, which we feel na kahit 'yung mga hindi na dapat sinasabi o isine-share ni Dominic ay ibinulgar pa rin nito.


'Yung ibinuking niyang ugali ni Bea na fickle-minded ito kapag kumakain sila sa mga resto ay okay pa, ganu'n din 'yung mabagal daw itong maligo, magbihis at mag-makeup kaya sila nale-late sa mga lakad nila at minsan ay pinagsisimulan ng argument.


Pero 'yung pambubuking ni Dominic na usapan nila ni Bea tungkol sa pagse-share nila sa isang hotel room for 28 days nang mag-Amerika sila at nu'ng bumalik sila sa Japan, eh, dapat pa bang sinasabi in public?


Well, yes, hindi naman na sila bata at hindi naman na dapat pang magmalinis sa mga ganitong usapin. 


But still, bilang wholesome actress at iniidolo ng marami si Bea (considering her super-daming endorsements din), eh, dapat naisip ni Dominic na ibigay ang respeto sa girlfriend lalo't hindi pa naman sila kasal nu'ng time na 'yun.


So, feeling namin, isa ang pagiging taklesa ni Dominic sa maaaring ikina-turn-off ni Bea sa kanya.


Pero naka-pogi points naman para sa amin 'yung pagiging selfless niya at laging inuuna 'yung makakapagpa-happy kay Bea.


'Yun nga lang, sure kaming mas may mabigat pang dahilan si Bea to call-off the wedding, na dapat na nating ibigay sa kanila since mga Marites lang naman tayo at hindi tayo ang mismong involved sa relasyon, devah naman?!




 


Zsa Zsa, 'di raw nagmamadaling maging lola… YAEL, OKS LANG KAHIT WALA PA RIN SILANG ANAK NI KARYLLE




First time naming na-interview kahapon nang personal ang musician hubby ng It's Showtime host na si Karylle, of course walang iba kundi ang Spongecola vocalist na si Yael Yuzon.


Present si Yael sa inauguration kahapon ng AIA 7s Super League football competition na ginanap sa Mansion Sports Bar sa Makati.


Football fanatic pala si Yael mula pagkabata niya at bilang suporta sa advocacy ng AIA at ni Anton Del Rosario, CEO and founder of 7x7 Football Philippines, nakiisa ang Spongecola singer at ang misis niyang si Karylle sa gaganaping 7s Super League na magsisimula sa March, 2024 at tatakbo hanggang sa July, 2024.


But nope, hindi sila magiging players kundi team owner. Pero ang intriguing and exciting part, hindi magkakampi ang mag-asawa kundi magkalaban ang kanilang mga teams.


Si Yael ang owner ng Pampanga team, habang Laguna team naman si Karylle.


Pero siyempre, sport naman silang pareho kaya walang personalan, laro-laro lang.


At dahil nabanggit ni Yael na 9 yrs. old siya nang unang maglaro ng football na hindi na niya inulit pa, na-curious tuloy kami kung sakaling magkakaanak sila ni Karylle ay papayagan din kaya niyang mag-football?


Pero siyempre, ang unang tanong muna, wala pa rin ba sa plans nila ang pagkakaroon ng anak?


Sagot ni Yael, 'pag dumating, eh, di blessing, pero hindi raw sila nagpapa-pressure ni Karylle at hindi rin naman sila pine-pressure ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na bigyan na ito ng apo.


Happy and contented naman daw sina Yael at Karylle sa kanilang buhay kahit wala pang anak lalo't pareho pa rin silang active career wise — si Yael bilang musician at si Karylle, bilang TV host and actress. 


Bukod nga sa It's Showtime, busy daw si Karylle sa mga musical plays and movies na ginagawa nito at hindi pinipigilan ni Yael ang misis kung anuman ang gustong gawin ng misis.


At soon, magiging busy nga sina Yael at Karylle sa pagsuporta sa 7s Super League na ang mga players ay mula sa various cities across Metro Manila. 


Among the 7 participating teams are the Alabang South Supers, BGC Soldiers, Pampanga Strikers, Parañaque Super Nets, Quezon City Heroes, Siniloan GOM Blues and Pasig City Pirates.


0 comments

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page