top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pati mundo ng Sports nadadamay sa korupsiyon, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 5, 2021



MAS pinili ng golfer na si Yuka Saso ang maging Japanese imbes na Filipino citizen.


Siyempre, may okay ang “lapad” kaysa piso!


◘◘◘


GANYAN din ang naging desisyon ni world chess champion Wesley So.


Mas pinili ni So ang maging US citizen kaysa maging Filipino!


◘◘◘


MALAYA ang bawat mamamayan na magdesisyon sa sarili niyang diskarte.


Sa totoo lang, tama ang desisyon nina So at Saso!


◘◘◘


BAKIT ka naman magiging ipokrito at magtitiis sa Pilipinas na batbat ng korupsiyon.


Ninanakaw lang ng mga opisyal ng gobyerno ang salapi ng bayan!


◘◘◘


BUHAY ang isinasakripisyo ng mga atleta, pero ereng mga mamdarambong sa gobyerno ay hindi tumutulong sa mga manlalaro.


Ang Philippine sports ay batbat ng katiwalian!


◘◘◘


ANG mga pulitiko ay nambabraso upang paboran ang ilang sektor at karaniwang kasabwat sila sa pagnanakaw sa pondo ng sport.


Ang ilang pusakal na pulitiko ay kumokontrol sa ilang NSAs at ginagamit ang mga larangan ito sa personal nilang interest!

◘◘◘


ANG mga opisyal ng National Sports Association (NSAs) ay nagsasagawa ng pakunwaring eleksiyon kung saan kontrolado nila ang boto at miyembro ng board.


Maraming NSAs ay halos personal na pag-aari na ng mga sports officials dahil hindi sila nagpapalit ng lider, bagkus ay umiikot lang sa iisang sirkulo!


◘◘◘


ANG Philippine Sports Commission (PSC) ay ahensiya ng gobyerno na ginagamit ng mga pulitiko bilang gatasang baka gamit ang ilang NSA.


Hindi ino-audit nang mabuti ng COA ang inilalabas na pondo ng PSC patungo sa NSA at Philippine Olympic Committee (POC)!

◘◘◘


TALAMAK ang korupsiyon sa Philippine sports at 'yan ay hindi lihim.


Batbat ng paboritismo at hindi patas ang trato sa mga atleta.


Tama ang desisyon nina So at Saso kung mahal nila ang kanilang larangang pinagbubuwisan nila ng buhay.


Wala silang mapapala sa Philippine sports hangga’t ito ay kontrolado ng mga buwitre na kinukunsinte ng Malacañang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page