top of page

Pati mister, gumagamit din daw… MAEGAN, BUKING NA POSITIVE SA SHABU, 'DI NA TINULUNGAN NI TULFO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 6, 2023




Napurnada ang tulong na inaasahan ni Maegan Verona Aguilar mula kay Senator Raffy Tulfo dahil base sa drug test na isinagawa sa pamamagitan ng kanyang hair follicle ay nag-positibo ito sa Metamphetamine o shabu.


Matatandaang humingi ng tulong ang anak ni Freddie Aguilar sa Raffy Tulfo in Action at base sa YouTube Channel, tinanong ng senador kung gumagamit ng droga si Maegan, na mariin namang itinanggi ng singer.


Pumayag si Tulfo na tulungan si Maegan at nangakong sasagutin ang isang taong renta ng bahay nito, ipapagamot sa sakit na hyperthyroidism at bibigyan pa ng kabuhayan sa kondisyong magpapa-drug test at kailangang mag-negatibo ito.


Noong isang araw ay nakapag-usap sina Raffy at Maegan via Zoom.


Ayon sa senador, “Metamphetamine, 'yun po 'yung itinest sa inyo. Ang sabi po rito, kayo raw po ay... Ma’am dito, oh, positive po.”


“Paano nangyari 'yan?” mahinahong tanong ni Maegan.


“Positive po. Ibig sabihin, within the 90 day-period simula nu’ng kayo po’y pumunta rito, kayo po’y nakapag-take pa ng shabu,” paliwanag ni Sen. Raffy.


Sinagot ni Maegan na huli siyang gumamit ng droga noong 15 at 28 years old siya kaya nagtataka siya kung bakit nag-positibo siya.

Pinayuhan si Maegan na magpa-rehab para gumaling pero tinanggihan niya ito.


Kasunod nito, ikinatwiran niyang napilitan lang siyang gumamit ng drugs dahil sa pakikisama sa mga taong tumulong sa kanila na tinirhan nila ng kanyang asawa.


"Kasi nga, wala kaming choice, it was someone who helped us. Ganu'n po 'yung situation ng kanilang kabuhayan. Marami po kasing nangyari sa akin, Sir Raffy, na hindi po maganda.


Pero kaya po rin ako lumapit sa inyo, kasi para po maalis kami sa ganitong sitwasyon.


“Hindi na po kami malagay sa peligro, hindi na po kami malagay sa alanganin. Kasi nga, nalalagay po kasi kami sa alanganin, Senator. Kung kani-kanino lang kami humihingi ng tulong, kung kani-kanino lang kami nakikituloy. Kaya ‘yun po ‘yun.


"Pero ru'n po sa addict ako, hindi po ako addict. It was an incident na kinailangan kong makisama.”


Katwiran ng senador ay puwedeng tumanggi si Maegan kung ayaw niya ang ipinagagawa sa kanya.


Sagot kaagad ni Maegan, “I’m so sorry, pero even my husband, kasama ko na siya nu'n and hindi po maganda ang situation, na kinailangan naming makisama talaga.


“Kung hindi kasi, puwedeng-puwede kaming mapatay doon, Sir. Puwedeng mapahamak kami lalo. Sir, sa maniwala po kayo o sa hindi, may mga ganu'ng sitwasyon po na nakaranas po ako."


Sinabi pa ni Maegan na kaya kay Sen. Raffy na siya humingi ng tulong ay dahil sarado pa rin ang pinto para sa kanya ng amang si Ka Freddie.


“His doors are closed, and that’s what we’re experiencing. So many doors have closed for us. So kung sino po 'yung mag-open for us, pinapakisamahan po namin. And unfortunately, napupunta po kami sa mga ganu'ng situation.


“Meron pa nga po, Sir, muntik akong ibugaw sa matanda. Meron pa pong ganu’n. May mga hindi po talaga magandang nangyayari. Pero hindi po ako addict, Sir, hindi po.”


Sa kabila ng pagpapaawa ni Maegan, nanindigan si Tulfo na hindi siya tutulungan dahil ayaw naman daw masira ng senador ang kanyang kredibilidad sa manonood dahil nagbitaw siya ng salitang hindi tutulungan ang singer kapag nagpositibo sa droga.


Kinausap ni Sen. Raffy si Department of Health Hospital III Treatment & Rehabilitation Center Chief, Dr. Alfonso Villaroman kung ano ang proseso ng pagpapagamot para sa kaso ni Maegan.


Balik-tanong ni Maegan sa senador, “Will that help, Sir, po with you? Will that help?"


“Yes, Ma'am, magpa-rehab muna kayo kay Doc, tapos 'pag sinabi ni Doc, 'Certified nagbago na ito,' then puwede na tayong mag-usap ulit. Sige po, punta po kayo kay Doc, Ma'am, at libre po 'yun," saad ni Sen. Raffy.


Samantala, may post si Maegan na pinagbawalan ang buong pamilya niya na dumalaw sa kanya kapag namatay na siya.


“I am forbidding & removing all legal/illegal authority from my parents, siblings and the rest of my bloodline to go near & touch my corpse just to manipulate my situation to their f*cked up advantage all over again.


“Strangers can pick-up my body & use my flesh at IPAKAIN ito to poison Freddie Pascual Aguilar & Josephine Ponce Queipo-my biological mother that was included in the drug raid in Forbes Park Makati noon. My mom & my brothers are the real SPAWNS IF SATAN involved in SHABU. Look them up.”


At kagabi ay inaming lumuwag na ang dibdib niya dahil naibulalas na niya lahat ang sama ng loob niya.


“Salamat, Lord! Nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko at ramdam kong naging mas matatag pa ako ngayon, ang bilis namang dumating ng milagro ninyo sa buhay ko, AMEN.


Salamat at nakakahinga na ako ulit nang maluwag.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page